Tahimik lang akong nakaupo sa gilid habang nakatingin sa labas. Pinagmamasdan ang mga nadadaanang gusali. Maganda tignan ang liwanag kapag malayo, hindi nakakasilaw. Kapag lumapit ka, doon mo makikita ang tunay nitong ganap. “Malapit na tayo sa event na pupuntahan natin. Prepare your performance, ikaw ang huling sa entablado.” sambit ni Sir. Hindi ko siya magawang lingunin, mukang ayos lang sa kanya ang lahat habang ako— “Act like a normal celebrity, hindi naman siguro mahirap iyon?” “Psh—” yun nalang sinabi ko. Nagbigla nalang ako nang akbayan niya ako sa balikat at saka bulungan, “Don't make that face, I'm warning you.” “Sa tingin mo manager magagawa ko pang manlaban.” sambit ko. Makit

