ZEF POINT OF VIEW
"Ito na pala ang bahay niya." sambit ko habang nakatingala sa malaking bahay sa harapan ko.
Hindi ko akalaing bahay ito ng classmate ko, nagtataka ako kung bakit sa public school niya gustong mag-aral. Panigurado, galing siya sa mayamang pamilya, o baka anak ng artista o politiko. Nakakapagtaka lang.
Kung ano ang kinaganda ng bahay, iyon naman ang ikipanangit ng ugali ng may-ari. Sobrang isnobero at ntrovert.
Sa totoo lang sa lahat ng kaklase ko, siya ang ayokong makagrupo. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, masyadong masama ang timpla ko kapag nakikita siya. Isa na sa dahilan ay hindi ko siya kilala nang lubusan sinve transfer student siya. Mukang wala din siyang pakielam sa paligid niya, nahahambugan ako sa kanya. Hindi ko nga alam bakit marami sa babaeng kaibigan ko ang nagconfess sa kanya, at ni-rereject din niya agad. Kung hindi dahil sa masungit na Professor ko, hindi ako mai-stress sa mga nangyayari ngayon.
Isa sa pinaka ayaw kong scenario ang nangyari noong isang araw, saturday class. Mag-uuwian na nang biglang may naalala si Prof. Jerome project for this midterm.
"Class, bago ko makalimutan* wala pala kayong project this midterm. Mag-aasign aml sa imyo mg topic.” lahat ng classmate ko napa-'aw' sa sinabi ni Sir Jerome, “Quiet class. Para din sa inyo 'to, preparation sa dating na finals. Advance reviewer na din para wala maitlog. Idi-divide ko kayo by partner para matapos ninyo agad. Kapag grouping, hindi lahat nakikicooperate. Since rush na tayo sa lesson, at malapit na ang midterm at final exam— expect more workload." paliwanag niya. Naging maingay ang lahat nang i-anunsyo ni Prof. Jerome ang magiging magkakapartner sa amin para sa project. Kampante naman ako na matatapat na matinong partner since kilala ko na halos lahat ng classmate ko dito. Isang kumpas ko lang sa kanila, wala silang choice kundi makinig sa akin.
Ako ata ang boss nila dito pagdating sa mga ganitong gawain.
"Okay, makinig na kayo. Sasabihin ko na ang maging partner for midterm project.” matapos sabihin ni Prof. Jerome iyon, parang may anghel na dumaan. Ang tahimik. Para kaming nasa hotseat, umaasa na matinong kagrupo ang mapupunta sa akim. Malapit na kami grumaduate, at kailangan naming pumasa sa project na 'to. “Okay, unang pares na grupo para sa chapter six, Lilac Audrey and Matthew Ramirez. Alam n'yo na ang gagawin." sabi ni Prof. sa dalawa kong classmate.
Tumingin lang si Mathew kay Sir Jerome ng seryoso, ganoon din si Sir. Kapag sila nagkakaharap, palaging masama ang tingin ni Matthew kay Prof. J. Hindi ko alam kung bakit.
Gaya lang din ng ibang classmate ko, halos lahat kami dito tensyonado. Ang bigat ng atmosphere sa buong classroom. Dahil magkamali ang isa sa amin— wala na kaming paglalagyan sa klaseng 'to. Alam namin na iba magalit si Prof. Jerome kapag may tumututol sa gusto niyang mangyari.
"Nakikinig ka ba? Kailangan ko pabang ulitin ang sasabihin ko?" sigaw naman ni Prof. J. sa isa kong classmate. Kuliglig lang ang kulang para umingay ang classroom. Mabuti nalang mabuting mag-aaral ako.
Sunod-sunod na tinawag ni Sir Jerome ang posible maging magpartner sa project. Hindi naman ako nag-aalala kung sino magiging kapartner ko. Kaya ko din naman gawin ang project ko ng mag-isa at walang katulong, ganoon ako ka-confident. Pero syempre dahil by partner ang gagawin, kailangan matapat sa akin 'yung masipag at maasahan. Pwedeng si Classroom Vice President, Mr. SSG President o si Ms. Secretary na sipsip kay sa mga Prof.
Lahat sila masisipag wag lang talaga si********* ang mundo nang, "Okay, Mr. Nicolson and Mr. Mondragon ang magiging last partner for this project*" hindi ko napigilan ang sarili kong ihampas ang kamay sa desk at saka ako tayo.
"No!" lahat sila nagtinginan sa pwesto ko. Hindi maari ito, "Sir! Ayos lang po ako kahit magsolo ako sa project wag mo lang po ako i-partner kay—." turo kanya na natutulog sa klase, "Please, Prof. Jerome wag n'yo pong gawin sa akin ito!"
Huminga ng malalim si Sir, "Mr. Nicolson kayo dalawa nalang ang natitirang walang ka partner at sainyo nalang ang last chapter na available. Parehas naman kayong may mataas na grade this first term kaya nakakasiguro ako na makakakuha kayo ng mataas na grade last prelimenaries exam kaya sa tingin mo wala magiging problema." nanlumo ako sa sinabi ni Prof. Jerome.
Kokontra pa sana ako, "But Prof. J*"
Tumingin siya ng seryoso, "No more Buts. Sa ayaw at sa gusto ninyo, kayong dalawa ang magiging partner!" ma-authority na sabi ng Prof. namim. Tumayo siya sa kanyang table at saka kinuha ang gamit kasabay ng pag-ring ng bell, “Okay, please prepare your project next week, same time same day. Good day student." sabay alis ni Prof. J sa classroom.
Patay na...
Lumingon ako kay Simon, ayun natutulog ng mahimbing at mukang ayaw mag paistorbo kahit pinapalibutan na siya ng mga classmate kong baby-bra warriors. Pinanghihinaan ako ng loob kapag naiisip ko ang posibleng mangyari kapag magsama kaming dalawa.
Lumipas ang susundo na klase na lutang ako at walang ibang iniisip kung paano pakisamahan ang lalaking iyon. Uwian na ng gumising siya at lumapit sa akin, “Sa bahay ko, doon tayo gumawa ng project.” cold niyang sambit. Teka lang, kanina natutulog siya sa desk niya. Paano niya narinig usapan namin?
Inayos ko ang tindig ko at saka ngumiti, “Ayoko.”
Lumapit siya sa akin isang pulgada ang layo sa muka ko, “Wag mong sirain ang araw ko.” cold niyang pagkakasabi. Nagngingitngit ng ngipin ko sa kanya, hindi ako makasagot. Bago pa niya ako iniwan, may pahabol pa siya, "Nasend ko na ang adress ng bahay ko sa messenger. Dumiretso ka sa kwarto ko, 2nd floor sa unang pinto. Buksan mo nalang, nandoon ako. Siguraduhin mong magigising ako." walang buhay niyan sambit bago ngalakad palabas ng classroom habang sinusundan siya ng mga baby-bra warrior.
Napakahambog niya talaga. Bwisit.
Sa kabilang banda, mas mabuti iyon dahil wala naman kaming computer sa bahay lugar para makagawa kami ng project. Nakakahiya din sa kanya bahay namim ang ioofer ko sa kanya. Masyadong makalat at burara mga kapatid ko, hindi ko pa nalilinis ang kwarto ko. Buti nalang nagpresenta siya kahit papaano.
Pero ayoko parin sa kanya— Wala na rin naman akong choice kundi tangapin ang alok niya.
Kaya nandito ako sa harap ng kanilang gate at saka nagdorbell, titignan ko kung magwo-work ang ganitong set-up. Kung hindi, no choice at doon kami sa bahay ko gagawa ng project at wala siyang magagawa kundi sumunod sa mga gusto kong mangyari.
Nang makarinig ako ng notification bell ng cellphone. Biglang bumukas mag-isa ang gate at may nagsalita kung saan nang, "Welcome." hindi na ako magtataka kung may ganitong feature ang bahay nila. Halos lahat nang nakatira nsa subdivision ay mayroong security feature tulad ng voive avtivation o kjnga no man iyon. Iba parin talaga kapag may kaya sa buhay.
Balang araw magkakaroon rin ako ng sariling bahay. Hindi man kasing kanda nang mga bahay dito sa subdivision na ito, at least masasabi kong akin.
Harap palang ng bahay niya, nakakaintimidate* mas nanakakaintimidate nang pumasok ako sa loob ng bahay niya.
Puro muwebles at porselana ang kagamitan sa loob. Classy ang disenyo ng mga kagamitan, modern house ang dating. May maganda ding mga pillar, greece inspired wall. Para akong nasa ibang bansa at nagbabakasyon. Bahay ba talaga ito ng lalaking iyon? nanliit tuloy ako sa mga sinabi ko.
Marahan akong naglakad diretso sa hagdan na sinabi niya sa akin, baka makabasag pa ako't mapabayad ng milyones. Kung sakaling ganoon, magiging katulong ako dito sa bahay niya habang buhay.
Pag-akyat ko naman sa second floor, nakita ko ang pintong tinutukoy ni Simon. Ito na ang kwarto niya, papasok ba ako agad o kakatok? Nakakahiyang hawakan ang doorknob, kulay gold. Hindi ko talaga mapigilang hindi maintimidate sa bahay niya.
Bubuksan ko na sana nang makarinig ako ng mga ungol sa loob ng kanyang kwarto, "Ahhh, s**t. Ang sikip mo* ang sarap mong anakan ng panganay. Ahhh, Akin ka lang..." hindi ko masyado maintindihan ang boses na naririnig ko kaya bahagyang kong binuksan ang pinto, silipin kung anong nangyayari sa loob.
Kung gaano kalakas ng loob ko, ganoon din kalakas ang kabog ng dibdib ko nang mari ig ko ng malinaw ang mga impit niyang ungol. Lalo pa akong kinabahan nang makita ko si Simon, nakahiga sa kama.
“s**t,” Anong ginagawa niya?
ITUTULOY...