Kabanata 2: Overnight

2972 Words
ZEF POINT OF VIEW "Tang-na ahhhh, malapit na ako!" rinig impit na ungol mula sa likod ng pintong kinatatayuan ko. Kahit nasa labas na ako ng kwarto ni Simon, rinig na rinig ang lakas ungol niya. Kinakabahan ako sa inaasal niya, gusto kong umuwi pero kapag ginawa ko iyon, hindi matatapos ang project namin. Lalong lumalakas ang kalabog nang dibdib ko nang halos sumigaw siya sa kanyang kwarto.      “Anak ka nang—!” agad kong naisara ang pinto. Para akong sira, nanginginig sa takot ang binti ko— ngayon ko lang siyang narinig na sumigaw ng ganoon kalakas. Maya-maya lang, natahimik na siya. Bahagya kong binuksan ang pinto para silipin siya. Nang mga panahong iyon, napako ang mata ko sa kanya. Hindi maalis ang tingin ko sa kanyang katawan, hubad na katawan. Ngayon ko kang siyang nakitang walang saplot pang-itaas at tanging boxershort lang ang suot— nasa loob ng boxershort ang kanyang kamay. Nakapikit at ang itsura niya, para bang nagmimilipit sa sakit habang ungol. Sa kinatatayuan ko, tanaw na tanaw ang maganda niyang pangangatawan. Lalaking lalaki, kahit antukin siya ay kita ang ganda nang katawan niya. Hindi ko akalaing ganito kalakas ang dating niya, o baka ako lang talaga ang may problema sa kanya. Ano nga bang aasahan ko sa isang anak mayaman maliban sa pagiging mayabang at hambog niya? Ba't ngayon ko lang napansin iyon? Dahil sa galit? Sa inis o sa ingit? Marahil insecure lang siguro ako dahil nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ko pero ang nakikita ko, hindi niya pinapahalagahan. I can't help it, average standard of living ang meron kami ng pamilya ko. Hoping someday, makakuha ako ng magandang trabaho para masunod ko gusto ko. Gaya ng sabi niya noong nasa school kami, pumasok ako sa loob nang kanyang kwarto. Kinuha ko ang mallit na wooden chair at lumapit sa kanya para maupo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para tignan siya, hindi ako nagsisi. Kung titignan siya nang mabuti, hindi na masama, may itsura siya— kapag tulog. Kahit ganoon ang ugali niya, para bang ang bait niyang tignan dahil sa messy hair niya. Sabayan pa ng mapungay na may pagkasingkitin na mata, mapulang labi at may mabangong hininga. Nakakahalina— Haist! Bakit ko ba naiisip ang ganoong bagay sa kanya? Dapat galit ako eh.      Rinig ang mahinang paghilik niya. Nakakapagtaka, mahimbing siyang natutog. Ibig sabihin na nanaginip siya kanina? Mukang may kaaway siya, o siguro nagkamali lang ako ng dinig kanina? "Bwisit ka* ahhh. Sige sayong sayo na iyan Patay ka sakin ngayon." dagdag pa. Marahil nagkakamali lang ako ng iniisip tungkol sa napapanaginipan niya kanina. Maysadong madumi ang isip ko, no ba yan.       Hindi na ako nagtataka kung bakit siya binansagang Sleeping Monster sa room. Kung matulog siya, parang palaging may kaaway. Tapos gigising ng badtrip at halos nakasimangot palagi at kung sino pa ang matiyempuhan sa kanya, panigurado magbabalingan ng init ng ulo. May ibang araw na naririnig ko siya na umuungol. Natiyempuhan ko din siya noong P.E time. Nagbabaan ang lahat ng classmate ko since pinapatawag na lahat ng student, at kaming dalawa lang ang natira dahil may inaasikaso pa ako para next subject para sa project habang si Simon ay natutulog sa desk niya. Palaging nagpapaiwan si Simon at ayaw magparticipate sa P.E activity. Ganyan siya kabugnutin. Habang nag-aayos ako ng gamit, narinig ko siya sa kanyang upuan. Nakayuko ang ulo sa upuan habang magkapatong ang magkabilang kamay sa mesa. "Ahhhh, shiiit. Sige pa. Ayan ahh. Ang sarap." bulalas niya habang mahimbing na natutulog. Nang marinig ko iyon, nangilabot ang buong katawan ko. Wala naman malamig na hangin pero biglang namintig ang tuhod ko sa kaba habang pinapakinggan siya. Creepy, sobra. Kahit sino aakalain siyang sinasapian ng masamang malimaw.       Ngayon ang himbing ng pagkakatulog niya. Maamo at para bang ang bait-bait. Parehas kaming lalaki pero bakit tinatamaan ako sa kanya? o baka ako lang ang may diperensya. Sa lahat ng nakilala ko, siya ang naiiba. Natauhan ako marahan niyang dinilat ang kanyang mata, "Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" mahina niyang sambit. Halos matumba ako sa inuupuan ko mabuti at nakahawak ako sa bedsheet ng kama niya. “Iisipin ko na may gusto kang makuha sa akin na hindi dapat.” Si Simon, nakatingin sa mga mata ko.      Umatras ako palayo sa kanya, “Wala!” at siya pa ang may ganang lumayo sa akin habang nakatalukbong ng kumot. “Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagpapunta sa akin dito?” Tumingin siya sa kanyang sarili at saka humarap sa akin, "May ginawa kaba sa akin?" para siyang bata. Halos muha luha siya nang sabihin iyon sa akin habang todo taho sa akin. "Pambihira ka! Ang gulo mo! Sinabi ngang wala! Ar kailan man hindi ako magkakainteres sayo! Parehas tayong lalaki, s**t lang.” Diretso kong sambit sa kanya pero mukang lalo siyang nag panic. Huminga siya ng malalim at bigla siyang sumigaw, "Lumabas ka muna sa kwarto ko, please..." dahil mukang takot na takot na siya— lumabas na agad ako ng kwarto niya. Nang mahimasmasan ako, 'Grabe 'yun sumigaw ah.' sip-isip ko. Ang kabog nang dibdib ko, sobrang lakas. Bigla akong nainis na sa kanya, soya itong nagpapunta sa akin dito sa kwarto niya— parang ako pa 'yung may gagawing masama. Hindi ko talaga siya maintindihan.      Pero sa kabilang banda ng malikot kong isip, may bagay na gusto ko pang makita sa kanya— Arrrggghh! Mali iyon, parehas kaming lalaki. Umaatake na naman ang pagkasira-ulo ko, sa kanya pa talaga. Kailangan ko lang kumalma ngayon at magisip nang tama. Pumunta ako dito para matapos namin ang project, hindi para sa mga ganoong bagay* nakooo! Kung ano ano na pumapasok sa isip ko! Ilang saglit, bumukas ang pinto, "Nandiyan ka paba? Pwede kanang pumasok." mahina niyang sambit. Mabuti at may suot na siyang saplot sa katawan. Naka t-shirt at suot parin ang itim niyang boxershort. “Psh..” Binigyan niya ako ng pokerface na tingin, hindi ko na siya inintindi at saka ako pumasok sa loob ng kwarto niya. May kakaiba akong napansin sa kanya— Ang muka niya namumula. Wag niyang sabihing, “Masama pakiramdam niya?” isip-isip ko, o baka namumula lang talaga. Palibhasa may lahing kano kaya mamula-mula ang kutis niya. Kapag tinitignan ko siya, kung ano-ano na pumapasok sa isip ko. Hays, sana matapos na agad ito.      Naupo na ako sa maliit na bangko na inupuan ko kanina. Napansin kong may kinuha siya sa cabinet niya, laptop— at mukang mamahaling laptop iyon. s**t, kung ganoon kataas ang const of living niya bakit pa siya nag aral sa semi public school? “Anong gagamitin mo?” tanong ko sa kanya. “Ako ang gagamit ng laptop, ikaw na bahala sa computer para mapabilis tayo.” cold na sabi niya. Napabugtong hininga nalang ako, gusto ko sana gamitin 'yung laptop— baka masira ko pa. “May problema ba?” “Acck— w-wala...”      Sana matapos na agad itong research namin.          So ayun na nga, nagsimula na kaming magresearch. Pinaalam ko narin sa kanya ang topic na binigay ng prof namin, as i expected— hindi siya nakinig sa topic na binigay sa amin. Mabuti nalang nandito ako kundi, walang mapapala ang taong 'to. Ako as a researcher at siya naman ang nag-eencode at mag poproofread ng mga nahahanap ko data, good to know na magaling siyang mag english at kahit papaano narerevise niya ang ibang deta na nakukuha ko. Akalain mo nga naman, patulog-tulog lang siya pero kahit papaano may galaw naman. Hindi parin nagbabago ang tingin ko sa kanya, arogante parin.      Ilang saglit pa, natahimik kaming dalawa. Wala ni isa ang umimik sa aming dalawa. Kaya ako na ang nagsalita, "Ito nalang gamitin reference picture." “Okay...” Langhiya! Ang lalim ng boses niya, pakiramdam ko kakainin niya ako ng buhay. “Zef, may problema ba?” “W-wala— tapusin nalang natin agad 'to.” binaling ko agad ang tingin sa laptop. Hindi ko inaasahan na mauutal ako sa harapan niya. s**t, nakakahiya. Ayoko talaga ng ganito eksena sa pagitan naming dalawa, sobrang akward. Kainis lang oh, nai-intimidate ako sa kanya.       * * *      Marami-rami namin na ang nakalap na data tungkol sa topic na binigay sa amin. Kahit papaano, nawala ang ilang ko sa kanya, o sa pagitan naming dalawa. Sa totoo lang masarap pala kausap si Simon. Nagpapalitan na kami ng information at idea. Kinu-consult niya ako sa mga ideya na naiisip niya, ganoon din ako. Somehow, open siya sa mga suggestion ko— ganoon din ako sa kanya. Pakiramdam ko ang gaan niyang kausap. Sa kabilang banda, bigla akong naguilty, ngayon ko lang narealize na masama ang trato ko sa kanya sa school. Lalo pa akong naguilty nang umorder siya ng pizza. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang natikman ang Pizza na pangmayaman. Hindi ko alam kung saan niya binili basta yellow ang box. Sobrang sarap. Pangalawa, ang lamig aircon ang sarap sa pakiramdam. Wala nito sa bahay, ung buga ng inaalikabok na eletric fan ang sumasampal sa muka ko at pangatlo, marami siyang alam kaysa sa akin. Siya nagdadagdag ng idea sa nahahanap ko.      Talagang kinakain na ako ng kunsensya ko, hand-up na. Wala na akong palag. Nahihiya na talaga ako sa mga sinabi ko sa kanya. Sa Cold attitude niya, may malambing na tinig siyang tinatago. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, mabilis ko naa-absorb ang sinasabi niya tungkol sa research na pinag-uusapan namin. Para lang kami normal na magclassmate sa kwarto niya na kailanman hindi ko naranasan sa tuwing nasa classroom kami, hindi ko inakala iyon. Marahil nga mali ang pagkakakilala ko sa kanya at hindi bagay ang bansag sa kanyang Sleeping Monster. Napag-isip isip ko na napaka-judge mental ko naman para sabihan siya ng ganoon dahil lang sa iyon ang tawag sa kanya ng iba. Siguto maaga pa para masabi ko na mabait na taong 'to si Simon— o baka tama nga ako* insecure lang ako sa kanya. Ilang sandali pa natahimik ulit ang paligid namin.       Abala na ako sa paghahanap ng idadagdag para sa project, kailangan na din namin matapos iyon this week. Idi-defense din namin iyon kay Prof. Jerome, ipapamuka kay Sir na nag-aral kaming mabuti. Ang galing ko talaga— i mean kami. Marami din akong natutunan sa kamya, mga trivia at fact tungkol sa topic na nakuha namin. Nang magkwento ni Simon at lalo akong naliliwanaga, maayos siyang magpaliwanag. 'Ganoon pala iyon.' isip-isip ko. Feeling ko knowledgeable na ako. "Okay Simon, tapos na ako. Isa-save ko nalang mga data sa desktop para mabilis mo makita. Nakapangalan sa iyo at ang mga naedit mo i-send mo nalang through email para mareview ko.” “Have some drink?” nabigla ako sa alok niya sa akin, akala ko jiuce lang pero, “May beer ako sa ref.” Naguguluhan ako, “B-bakit mo naman naisipan?” tanong ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo, “Kailangan ko lang ng pampatulog. Alam kong may ideya kana sa sitwasyon ko.” ahh kaya pala. “Dahil ba sa insomia?” tanong ko ulit sa kanya, hindi siya sumagot. “Naririnig ko lang sa mga classmate natin, hindi ko akalaing totoo ang uspaan nila tungkol sayo.” Nangiti siya sa sinabi ko, “Ganoon ba talaga ka-insi sa akin? I can't help it, hindi rin naman ako malapit sa mga taong nakapaligid sa akin.” shot, pparaakong sinaksak noon sa puso sa sinabi niya. Kung alam niya lang kung gaan ako kainis sa kanya, baka hindi an ako ulit makatikim ng pizza. “Panigurado gising na naman ako nito ng ilang araw.” dagdag pa niya. Emotional attack ang ginagawa niyam Napabugtong hinibga nalang ako, “Bigla tuloy akong naguilty sa sinabi mo.” matapos noon, na tawa siya. Doon na ako nagyabang sa kanya, “Kaya mo ba sarili mo? Baka hindi mo naitatanong, sa lahat ng classmate natin ako ang malakas uminom.” “Ang tanon, ayos lang ba? Anong oras na.” ngayon ko lang narinig ang mahinahon na tono ng boses niya. Shit lang, napapayag niya ako ng wala sa oras. “Sige, walang problema sa akin. Wala namang pasok bukas. Sabihin nalang natin pambawi ko saiyo pati sa pizza na pinadeliver mo.” sambit ko na may halong yabang. Patay ako nito sa bahay paguwi, panigurado gugulpihin ako ni Mama nito. “Should i order another one?” tanong niya habang nakangiti. “Hindi naman sa pagmamalabis pero sige, ikaw bahala.” tutal tapos narin ang nga ginagawa namin, kaikangan ko nalang ipahinga ang isipan ko. Agad na siyang kumuha ng mga beer. Tahimik lang ako habang nakaharap sa computer, nagi-stream ng mga music video. Nabigla nalang ako na may yakap-yakap na siya na mga lata ng beer. Hindi ko akalaing ganoon kadami ang kukuhain niya. Mukang mapapalaban ako. Lumipas ang ilang minuto, may pizza na siyang pinadeliver, dalawang box. Sabi pa jiya pangtake-out ko ang isa. Ang pakiramdam ko ngayon, nag-uumapaw sa tuwa. May pasalubong na si kuya hehe. tahimik lang kaming umiinom habang nakikinig ng music sa phone ni Simon. Wala ni isang nagtakang kumibo, hanggang sa ilan pang minuto— “Anong tingin mo sa akin?” tanong niya sa akin sabay inom ng beer. Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko, “Sayo? Seryoso ka ba? Baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko.” banta ko sa kanya. Muka namang seryoso siya sa tanong niya. “Mas gusto ko ang pagka-straight forward mo kaysa sa ibang classmate natin.” medyo natuwa ako sa mga sinabi niya. Kahit papaano naa-acknowledge niya ako. “Hmm, sabihin nalang natin na arogante ka minsan, nayayabangan din ako sa iyo sa hindi matukoy na dahilan.” seryoso kong sagot sa kanya. Napansin ko nalang na bumubungiangis siya, “Nakangiti ka diyan? May nakakatawa ba?” sambit ko habang nakasakubong ang kilay. Kumaway siya sa akin, “Ahh, wala. Good to hear. Ikaw palang nagsasabi sa akin ng ganyan.” bakit ibang tao nakikita ko sa kanya ngayon. Ngayon ko lang nakita ang mata niya sa nakangiti— s**t lang. Kailangan kong kumalma. “Don't worry, it's a good words. Kahot papaano alam ko na mali din ang ikinikilos ko.” “Kung magsalita ka parang wala ka naging kaibigan.” natigilan nalang ako nang magbago ang expresyon niya. “Should i argue with that?” malungkot niyang sambit. “Wag mong sabihin na wala?” tangina,  di ko nakontrol ang sarili kong magtanong. Mukang natamaan siya sa mga sinabi ko. “Natatakot ako.” seryoso niyang sambit. Napainom ako ng beer ng wala sa oras. Ilang minuto din kaming natahimik bago ako magsalita. “Ikaw? Natatakot? Bakit ka naman matatakot? Ang sarap kaya magkaroon ng kaibigan—” hindi na naman siya nagsalita. “Sorry, mukang napasobra ata ako.” Huminga siya ng malalim, “Dati nagkaroon ako ng kaibigan, she supposed to be my bestfriend— childhood friend to be exact. Habang lumalaki kami, she became more possesive and aggresive sa lahat ng nagiging kaibigan ko. Until one day... nawala na siya sa sarili niya.” kwento niya. Kitang kita ko na gumuhit ang lungkot sa kanyang mata. Bagong Simon ang nakita ko, expressive. “Nakakatakot nga ang ganyang tao.” iyon nalang ang nasabi ko saka ako kumain ng oizza at uminom ng beer. “Siguro nagtataka ka kung bakit ako nasa semi public school, at graduating pa nang mag transfer ako.” sambit niya. “Oo, simula mang makita ko ang bahay mo.” “Hindi ko akalaing aabot ako sa punto na tataguan siya.” tataguan? ibig sabigin ganoon kalala ang kaibigan niya? “Gusto ko nang matahik, ayoko nang may ibang tao na madamay.” sa sinabi niya, bigla akong kinabahan. “—Opps, sorry. Napakwento na ako ng sobra.” “Dapat naba ako matakot?” tanong ko sa kanya. Nginitian lang niya ako. “Kung natatakot ka edi sana nagkaroon kana ng violent reaction.” tama nga naman siyam Hindi man ako nagkaroon ng ganoong kai igan, atleas kaya ko naman pritektahan ang satili ko sa ganoong tao. “Nakakatuwa ka, ang lakas ng loob mo.” “Ganoon talaga, batang skwater ata 'to.” pagmamalaki ko, lasing na ako— sumosobra na kayabangan ko. Nailing nalang siya sa akin habang nakangiti, sabay inom ng beer. Ilang sandali, bumuhos umulan sa labas. Kitang kita iyon sa kwarto ni Simon, “Mukang hindi ka makakaalis, ang lakas ng ulan.” sambit niya. “It's almost a midnight, ayos lang ba na matulog ka dito?” Nabigla ako sa sinabi niya. “A-ako?” hindi pwede, gugilpihin na ako ni Mama kapag nalaman niya 'to. Kahit nasa disiotso na ako, hindi niya ako patatawarin kkapagnalaman niyang nakikitulog ako sa ibang bahay, “Uhmm..” napapakamot nalang ako ng batok ko. “Walang problema sa akin— kahit dito kana sa kwarto ko matulog. Minsan lang ako magkaroon ng bisita.” sambit niya. Kita sa kanya na may tama na siya ng alak, kita sa kanya na gusto niya akong matulog dito, nagpupupoy eyes na siya. “Please?” “Umm, wait lang. Cr lang muna ako— naiihi na ako.” seryso walang halong biro, naiihi na ako. “Sa kanan, diretsuhin mo lang. Nandoon ang banyo.” turo niya. Nagbow ako sa kanya at, “Salamat.” saka ako nanakbo paountang banyo. Matapos kong umihi, bumalik ulit ako. Sasbaihin ko sana na hindi na ako mag-stay, nakakhiya sa kanya. Pero lagbalik ko, nakatulog na siya habang kaharap ang laptop habang nakasandal sa kama. Humihilik. Nakatulog na.     Pagtingin ko sa oras sa desktop, 12:30 PM na ng gabi, hindi ko namalayan ang oras. Nawili ako sa usapan naming dalawa. Kailangan ko nang makauwi agad, hindi pa naman ako nag-paalam kay Mama. Niligpit ko na ang mga gamit at pinatay ang computer. Naglagay ako ng note sa ibabaw ng keyboard. Unplug ko na ang mga charger ng laptop at sinave ang gawa niya. Pagkasara ko ng laptop, itinabi sa cabinet table malapit sa kanyang kama. Niligpit ko na ang mga kinainan namin at mga kata. sa tabi. Binuksan ko ang lampshade niya at saka pinatay ang ilaw sa kisame. Inayos ko ang sarili ko sa malaking salamin niya at saka ko siya kumutan.       Mukang pagod na pagod na talaga siya at maraming nainom, ang lakas ng pagkakahilik. Kaya pinatay ko na ang ilaw.  Lumapit ako sa kanya, “Magpahinga ka.” bulong ko. Paalis na ako nang bilang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko si Simon, papikit-pikit akong tinignan habang humihigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Hinihila ko palayo, ayaw niyang pakawalan. "Please, wag kang umalis." mahinang sambit niya habang pinipilit na idilat ang mata. Ang kamay niya, ang higpit ng pagkakahawak, para siyang gising na tulog. Namumungay ang mata, maluha luha sinabi na, "Zef...” parang may kirot sa puso ko.      Come to think of it, palagi siyang mag-isa at walang kasama dito sa bahay niya. Ni katulong wala akong nakita. Wala din siyang kaibigan na kasabay kumain sa canteen, palaging tahimik, nag-iisa, walang karamay. Siguro masakit iyon? Iyong ikaw lang mag-isa at parang lahat ng nakapaligid sa 'yo ang hirap pagkatiwalaan. Ganito ba kapag angat sa buhay, malungkot?      “Natatakot ako mag-isa...” ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD