Herald POV Hindi naging madali ang mag move on. Paano ka nga ba naman magmo-move on kung magkalaban ang utak at puso mo. Lalo pa't alam mo na naghiwalay kayo hindi dahil ayaw na ninyo sa isa't isa kundi dahil masyado ninyong mahal ang bawat isa. Kung minsan nga ay natatawa na lang ako sa sarili. Sa tulong ng pamilya ay unti-unti akong nakabangon. Minabuti ni daddy na pakuhain ako ng management sa isa sa mga universities rito sa lungsod. Mahirap pero kailangang kayanin. Inisip ko na makakatulong ito sa akin lalo pa at nagsimula nang mag-expand ang Pages Café. Isinantabi ko lahat ng nararamdaman ko at nag-focus sa pag-aaral at negosyo. Pero syempre may time din naman na naaalala ko siya. Ang linggo ay naging buwan. Ang buwan ay naging taon. Hindi ko na namalayang dalawang tao

