Mahinang kinatok ng ina ni Ross ang pintuan ng kwarto nito. Ilang araw na itong nagkukulong sa kanhyang silid. Kung lalabas man ito ay kakain lamang ito at babalik din kaagad ng kwarto. Ilang araw na din itong hindi pumapasok sa opisina. Alam niyang may hindi magandang nangyari kung kaya ganito ang inaasta ng anak. "Ross, anak pwede ba akong pumasok?" Nag-aalalang wika ng ina. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumukas ang pintuan. Natanay niya ang anak na naglalakad pabalik sa higaan nito. Kahit hindi man nito sabihin, alam nitong her son is hurting. "Kahit hindi mo sabihin alam ko hindi ka ok, kaya hindi na ako magtatanong. Gusto ko lang malaman mo na nandito si mama kung kailangan mo ng kausap." Hinaplos niya ang anak na ngayon ay nakahiga habang nakatingin sa malayo. Halata

