Herald's POV "What? Timothy Altamerano?" Hindi makapaniwalang sambit ni Christian. Halos lumuwa nga ang mata nito nang ikwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. "Sa dinami-dami ng taong pwede niyang makita na kasama mo yung tao pang yun?" Isa pa rin itong si James. Akala mo ay napakasamang tao ni Timothy kung maka pag reach ang mga ito. Buong araw na hindi nagparamdam si Ross. Sinubukan kong tawagan siya kanina ngunit nakapatay ata ang phone niya. Ayaw ko din namang gambalain pa si tita Claire dahil ayaw ko nang palakihin ang gulo naming dalawa. Kung may gulo nga talaga sa aming dalawa. Kahit na hindi mapakali ay hinayaan ko na lamang siya. Somehow tatawag at tatawag din iyon kung gustuhin niya. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagbe-bake. Kinahapunan ay tinawagan ako ni

