Herald POV Masakit na ang tiyan ko sa katatawa. Paano ba naman ay hindi maubusan ng kwento at mga joke ang mga kasama ko. Wala na rin namang masyadong costumers kaya na pagpasyahan namin ni Timothy na maupo muna sa labas. Sakto namang pagdating ni Mattew na napag-alaman kong close din kay Timothy. Maging si Toffee ay nakipagkulitan na din. "Tigilan nyo na nga iyan. Sumasakit na ang tiyan ko sa katatawa." Natatawa kong sabi. Pero sa halip na tumigil ay mas lalo pa nilang pinagpatuloy. Para silang mga bata sa inaasal nila. Pati mga kasamahan namin dito ay natatawa na rin sa kanilang tatlo. Ang gaan lang kasi nila panuorin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung sana ay nakasama ko din sila noong bata pa ako. "Bahala na nga kayo." Kako. Tumayo ako upang makaiwas sa kanila. S

