Heralds POV Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod nalang sa gustong mangyari ni Ross. Nang dumating ang driver ay nagpaalam na ako sa kanya upang magpahatid sa office ng bagong nagmamay-ari ng shop. Alas-otso na iyon ng umaga. Bago pa ako makasakay ay agad akong hinalikan ni Ross. Hindi ko man lang naramdaman na nasatabi ko na pala siya. Marahil ay dahil sa masyado na akong na o-occupy sa mangyayari mamaya. Ilang sandali pa ay binabaybay na namin ang daanan papunta sa itinakdang lokasyon. Habang nasa sasakyan ay kung anu-anu na ang tumatakba sa isip ko. Kinakabahan ako. Mayaman ang nakabili ng shop at pwede itong maghire nang mas magaling na baker kesa sa akin. Kaya nagtataka ako kung bakit kailangan pa akong mainterview ng bagong may-ari. Nakarating kami sa tapat nang Rica

