Herald POV Tatlong araw lang ang itinagal ni Ross sa hospital. Kahit ayaw pa sana ng doctor nito ay wla din kaming nagawa dahil ang kulit niya. Nagplano ba namang lumabas mag isa ng hospital. Kung hindi ko pa nahuli baka umuwi na nang mag isa ang loko. Kaya para sa ikakatahimik ng lahat pina discharge nalang ng mama niya. Gusto sana ng mama niyang sa mansyon nila siya magpahinga ngunit tumanggi ito dhil may bahay naman daw siya. Hindi na ako umimik pa dahil alam ko naman na ayaw nitong makita o maka usap ang ate nito. Inasikaso ko naman siya nang makauwi kami sa bahay. Hindi kami masyadong nag-iimikan dahil mukhang nagtatampo ito sa akin dahil nang minsang nagkausap kami ay nabanggit ko ang ate niya. Pinilit ko siyang makipag bati kay Rochelle noon dahil alam kong silang dalaw

