Chapter • Twenty Three Pumulupot ang mga braso ko sa kanyang katawan. Hinayaan ko ang sarili kong damhin ang init ng kanyang yakap. Whatever is going to happen next, I am ready to gamble everything. "Hindi ito ang sagot, Kyran. I badly want to be with you but how can we be happy if we'll leave a whole pack hanging for our own benefit? Alam kong isa kang magaling na Alpha. Kailangan ka nila." Untag ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at mataman akong tinitigan. "But they--" "As long as we're fighting for each other, as long as we choose to stay in each other's arms, they can never separate us. Hindi mo naman na ako itutulak ulit palayo, hindi ba?" Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi saka ako matipid na ngumiti. Isang pagod na ngiti ang lumandas sa kanyang labi. Hinawakan

