Chapter • Twenty Two Matapos ang naging pag-uusap nila ay bumalik kami ni Erin sa loob. Hindi ko magawang ibalik ang sigla ko dahil sa mga sinabi ni Eunice. Wala rin akong ideya tungkol sa huling sinabi niya pero alam kong may gusto siyang ipahiwatig. Naabutan namin sila na tila may seryosong bagay na pinag-uusapan. Nasa tabi na ni Kyran si Eunice. Napaiwas ako ng tingin nang sulyapan ako ni Kyran. I can't look at him right now. Not until he finally give me the explanation I've been asking for since forever. Nabaling ang tingin ko sa mag-asawa. Si Alpha Pierre ay nakahalukipkip habang nakatingin kay Baron habang si Luna Yngrid ay binibigyan na naman ako ng mga wirdong titig. "Hanggang ngayon pala hindi pa rin kinikilala si ng pamilya Venzon si Phyam?" Untag ni Alpha Pierre. Napaiwas n

