Chapter • Seven Dati kapag sumasapit ang birthday ko, ako ang pinaka-excited sa lahat. I love presents but I hate surprises. Gustong-gusto ko kapag nagluluto si mama ng mga paborito ko. Nagkakaroon kamk ng bonding time na tatlo at minsan ay kasama pa si Shinie. Kaso ngayon, iba na. Hindi ko na maenjoy. Para bang ang laki ng nagbago sa taun-taong selebrasyon namin. Nang tikman ko ang luto ni Mama, kulang sa tamis ang spaghetti. Matabang ang salad at wala ang paborito kong ice cream. Dumating din sa ospital ang ilang kaklase namin ni Shinie para batiin ako. Nagdala pa sila ng mga lobo, regalo, at cake pero mas pinili kong huwag silang papasukin. Alam ko namang nagpunta lang sila rito dahil sa awa. Dati naman halos hindi nila kami kausapin ni Shinie pero ngayon daig pa tila ang bestfriend

