Chapter • Eight Ipinarada ko ang pick up truck na sinasakyan ko sa tapat ng convenience store na nadaanan ko saka ko dinampot ang aking bag. Habang papasok ng store ay nagpalinga-linga muna ako sa paligid, pilit kinikilala ang mga mukhang nadaraanan ko. Tumunog ang bell ng store nang tuluyan akpng nakapasok ng pinto. Sandali akong tinapunan ng tingin ng lalakeng clerk saka ito ngumiti. "Welcome to Macy's twenty four hours convenince store." He mumbled. Pilit na lamang akong ngumiti saka ako tumango bilang tugon. Nang talikuran ko siya para pumunta sa mga inumin ay inayos ko sandali ang itim na sumbrerong suot ko. Binuksan ko ang chiller at kumuha ng isang bote ng tubig na kakasya para sa byahe ko pagkatapos ay saka ako nagtungo sa mga bag ng chips. Dumampot na lamang ako ng ilang ti

