Eve Naabutan ako nina Grace at Sky na hinihingal sa loob ng kweba. Natutop ni Grace ang kanyang bibig ng makita si Alec na nakahandusay sa lupa at walang malay. "A-anong nangyari?" "Hindi pa 'yan patay. Nakatulog lang," matipid kong sabi sabay ngumiti. Tila walang problema na kinakaharap. Napatingin si Sky saglit kay Alec. Tiim-bagang naman niya akong nilapitan. Hinagit niya ang braso ko. Napalapit tuloy nang husto ang mukha ko sa kanya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla akong nahiya sa paglapit ng mga mukha namin. Sanay ako na kausap si Sky sa malapitan mula pa noon pero ngayon na ganito siya kalpit sa mukha ko, at ganito siya kaseryoso na tila handang pumatay ng kung sino para lang sa akin, may kakaibang pakiramdam na biglang umusbong sa loob ko. "Talaga bang ginawa mo 'yun?"

