"To know a secret means it has consequences Because it may be good or bad for one's health It may fruit a good fruit Or bear a bad bearing As long as it is hidden The roof will rise in heat Can melt or turn into ashes If the time is due for the smoke to come out -Secrets -------------------------- Sky Napatanaw ako sa tahimik na pigura ni Grace habang hinihintay na magising si Eve. Kanina ko pa nilalaro-laro ang mga daliri ko habang nakaupo sa may bato. Matapos kasi ang nangyari kanina, hindi ko na nakausap pa si Grace. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero ngayon na kaming dalawa na lang sa b****a ng kweba ay wala akong masabi sa kanya. Tila umurong ang dila ko. Biglang uminit ang pakiramdam ko. Sakto namang napagalaw si Grace ay siya namang pagtikhim ko. Napaiwas din ako

