LUMAPAG sila sa Dubai International Airport. January kaya malamig ngayon dito sa Dubai. Isang company car ang sumundo sa kanila at dinala sila sa pinakamataas na tower doon—ang Burj Khalifa. Ilang Filipino staff ang napansin ni Nadine sa reception. Pumasok sila sa elevator at saka pinindot ang 84th floor button. Hawak siya ni Lath sa kamay saka hinapit siya palapit sa katawan nito at binitiwan ang kamay niya, ’yon pala ay lilipat lang sa baywang. Hindi naman nagtagal ay narating nila ang 84th floor. Napasinghap si Nadine sa ganda ng pinasukan nilang mag-asawa. “Welcome to your new house.” Ito pala ang sinasabi na real wedding gift para sa kanila. Ang akala ni Nadine ay ’yong new chopper o ang new plane; hindi pala, ito pala yon. Kaya naman pala ang iniabot sa kanyang card ay nakapangalan

