“So, you are saying,” sabi ni Seb, “that that car has been following you. Pagkatapos ay huminto siya nang nasa likuran ka na ng sasakyan niya?” Napabuntonghininga ako. “I know it sounds ridiculous! Alam kong na-pa-paranoid lang ako pero hindi ko maiwasang isipin na baka kagagawan na naman ‘to ni Corinne para takutin ako.” “I know. I understand. I believe you.” Napatingin ako sa kaniya habang nakatutok ang atensyon niya sa harap ng kalsada. He is driving my car right now while I am sitting at the passenger’s seat. Nilagay ko ang bike niya sa likod ng pick up truck ko dahil iyon ang gamit niya nang dumating siya. He is still wearing his cycling gear kaya sa tingin ko ay kagagaling lang niya sa ride. Or maybe naistorbo ko siya at nasa kalagitnaan siya ng pag-ba-bike. I didn’t mean to, but

