Napahawak na lang ako sa ulo ko nang sumakit ‘yon. Everything is just too much for my head to absorb. Masyado nang mabigat ang ulo ko dahil sa mga impormasyon tapos ay dadagdag pa ‘tong si Corinne na maaaring isa palang mamamatay-tao. I am about to lose my balance when Nash catches me in his arms. Pinaupo niya ako sa isang bakanteng bench na nasa tabi ng hallway. Naupo rin sila pareho sa tabi ko at tiningnan muna ang lagay ko. “Okay ka lang ba?” tanong ni Froilan. Nababakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. “Sa tingin ko kailangan mo na munang magpahinga. Saka ko na ikukuwento sa inyo ang plano ko. Makakapaghintay naman ‘to.” Agad akong umiling. “Okay lang ako. Nahilo lang ako.” “Pero –“ “I am fine, Froilan.” Tinitigan ko siya dahil baka kung ano na ang sabihin niya. Sebastian already

