“She wants me to take you to the after-party,” ani Erick bago tinago ang kaniyang cellphone sa bulsa. Narito pa rin kami sa parking lot pero lumabas na kami sa sasakyan. We are both sitting at the hood of the car. Mula rito ay tanaw namin ang city lights sa baba. Bahagyang naka-elevate ang parteng ito ng parking space kaya sobrang lakas din ng hangin. It makes me feel calm and relax after all that crying I did. Rinig pa rin namin ang mahinang tugtog mula sa loob ng hotel pero mahina na lang ‘yon. Mukhang wala na ring balak pang bumalik si Erick sa loob kaya sinamahan na lang niya akong magpahangin dito. Mabuti na lang at hindi ganoon katirik ang araw. Papalubog na rin kasi ang haring araw. “I can’t,” sagot ko, “Nica needs me for her next treatment later.” Tumango-tango na lang siya. “I

