Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang kami saglit. Medyo napadami ang kain ko, mabuti na lang at hindi ganoon ka-fitted ang suot kong dress kumpara sa lagi kong sinusuot tuwing may ganitong okasyon. Medyo halata na rin kasi ang baby bump ko kaya hindi na ako makapagsuot masyado ng masikip. Not that I am not confident at ikinahihiya ko ang baby ko, pero ayoko lang talagang ma-suffocate siya dahil sa sinusuot ko. Gusto kong makahinga nang maayos ang baby ko sa loob ng tiyan ko. Carrying a baby at this age is making me paranoid. Pero mas okay na ang maging paranoid para malaman kong nasa maayos na kalagayan ang baby ko. I waited for him or her for so long. I am going to take care of her no matter what. Ibibigay ko lang sa kaniya kung ano ang makabubuti sa kaniya. “Let’s go meet my

