The doctor already started Nica’s treatment. Hands on ako sa lahat ng gagawin sa kaniya dahil gusto kong malaman kung ano na ang nangyayari. Hindi ko na muna in-inform si Amanda tungkol sa expenses dahil gusto kong mag-focus muna kami sa pagpapagaling ni Nica. Nash goes back to looking for jobs that will help in the expenses. Hinayaan ko na lang. If that is what he wants, I can’t do anything about it. Basta okay na kami sa pagtulong ko kay Nica kahit gaano pa niya kaayaw. Wala na rin akong sasabihin kung ano ang gagawin niya para makatulong. “I will be back later,” sabi ko kay Nica nang matapos naming mag-lunch. “May trabaho lang ako ngayong hapon, then I will be back in the evening, okay?” Tumango siya sabay malawak na ngumiti sa ‘kin. “Okay. Hihintayin po kita mamaya ah?” “Of course.

