Kaming dalawa na lang ni Nash ang natirang gising nang tumuntong ang orasan ng alas dose ng gabi. Ilang oras na ang nakalipas pero ni isa sa ‘min ay walang nagsasalita. Nakatitig lang kami kay Nica at kung paminsan-minsan ay napapaiwas na lang sa isa’t isa sa tuwing nagtatama ang mga tingin namin. It did not occur to me that we were going to be like this. Napaka-awkward ng paligid. I do not know what to say, what to do, or if I need not do anything. Basta ang alam ko lang ay naka-su-suffocate ang katahimikan sa loob ng room. “Matulog ka na.” Bahagya akong napapitlag sa biglaan niyang pagsasalita. “What?” “Ang sabi ko, matulog ka na. Ako na muna ang magbabantay kay Nica.” Still, he does not look at me. He chooses to stare at her little sister instead of looking at me, the person he is

