KABANATA 1
01.
"Isang caramel frappe." sabi ko sa barista.
Hays, overtime na naman ako. Kailangan ko ng kape dahil hindi ko alam kung anong oras ako makakapag-report kay Sir mamaya.
Kakaunti na lang tao dito sa coffee shop. Most of them are from our building and some students na tahimik na nagbabasa. Oh how I miss those kind of college days. Iilang kape ang dumadaloy sa lalamunan ko every week. Alam ko naman na magpa-palpitate ako after ko uminom pero hindi ko talaga maiwasan dahil iyon lang naman ang bumubuhay sa antukin kong pagkatao.
"Annie!" tawag ng barista. Pumunta na agad ako sa counter para kunin. "Bibigyan na talaga kita ng loyalty card, Ate Syd."
"Isang beses sa isang linggo lang naman. Hindi naman ako gaano mahilig sa frappe." sabi ko. Medyo kakilala ko na rin ang barista sa coffee shop na ito.
"Red velvet, hindi mo o-orderin?"
"Hindi na. Pauwi na rin naman ako."
Nagpaalam na ako dahil baka hinahanap na ako ni Sir sa taas.
"Syd! After work karaoke daw tayo sabi nila Mona. Sama ka?" Tanong ng ka-opisina kong si Gab nang makalabas ako sa elevator. Agad akong umiling sa kaniya.
"Hindi pa tapos si Sir. Kailangan ko pa siyang hintayin."
"Edi sunod kana lang!"
"Gusto ko na magpahinga. Galing kaming Pasig, 'di ba?" Umupo ako sa cubicle ko.
"Sayang naman!"
Sayang talaga. Kung hindi ba naman matagal 'yong meeting ni Sir sa loob at hindi ako pagod ay panigurado naman na makakasama ako kina Gab.
Hayy, nabawasan na night life ko simula nang nagtrabaho ako rito. Well, minsan I do have nights out pero isa sa isang buwan na lang yata. Not like before nung hindi pa ako nagta-trabaho dito
Ilang oras na yung meeting ni Sir sa opisina niya kasama yung parents niya. Madami na naman kasing bali-balitang kumakalat tungkol sa pamilya niya. These past few weeks, his family and other relatives are receiving death threats. Mas humigpit pa nga yung mga convoy kay Sir every time na may out of town siyang bussiness na kailangan niyang puntahan.
Hindi na rin ako magtataka dahil malaki naman talaga ang pamilya niya. Politicians are most of them.
Wala ako ginagawa sa ngayon dahil tapos na ang office hours ko and hinihintay ko lang talaga si Sir na matapos. Alam ko naman na hahanapin niya ako... because he needs an update every the end of the day.
"Syd, kailan ang off mo?"
"Sa susunod na araw pa. Bakit?"
"Set up na tayo para makasama ka namin ulit sa Bar near BGC! Nakakamiss kaya mag-party doon ng kasama ka kasi ang dami mong kakilala doon!"
Totoo 'yon. Halos college days ko, meron akong night life and luckily, I graduated without any problem in my grades. Doon ko halos nakikita ang mga bar and club buddy ko during college days.
Hindi rin naman ako pinagbabawalan since alam naman nila na kaya kong i-balanse ang buhay ko.
"Sige. Sasabihan ko kayo agad kapag nagkataon na maayos ang schedule ko kinabukasan."
"Pakilala mo naman ako doon sa isa! 'Yong blonde ang buhok! Parang ang sarap sa top noon o kaya ako sa top siya sa bottom!" May gigil na sinabi ni Marky.
"Hay naku! As if naman na may ganap pagtapos niyong magkakilala?" Sabi ni Gab. "Bakla ka talaga ng taon! Nakapa-bulgar ng top at bottom mo!"
Nagtawanan lang kami sa kani-kaniyang cubicle. Si Marky kasi ay isang bakla pero wala naman kami problema doon. Ang saya nga niya kasama. Hindi kami natatahimik dahil sa kakatawa.
Ilang minuto pa habang pinaiikot-ikot ko ang swivel chair ko ay bumukas na ang pinto ng office niya. Napaayos kami ng upo bigla kasi mga magulang na niya iyong palabas.
"Let's have some dinner next time, Son. Okay?" Banggit ni Mrs. Del Mundo. Kung hindi pa gray ang buhok nito ni Mrs. Del Mundo, hindi ko aakalain na may apat na anak na ito at lahat ay may mga asawa na except dito sa bunso niyang anak.
"Alright."
Humalik sa pisngi si Sir at yumakap rin sa Daddy niya.
Lumapit na ako.
"Good evening Mr. and Mrs. Del Mundo," nakangiti kong bati sa kanila.
"Oh! Good evening, Hija. You're still here?" Masayang sabi ng Mama ni Sir. "Oh, silly me. Of course, you're still here because..." Bahagya siyang tumingin kay Sir.
Lagi niya akong inaasar sa anak niya. Halos palagi niya itong ginagawa, napapailing na lang si Sir at ako naman ay natatawa na lang.
"Darling, let's go. Hayaan na natin si sekretarya at si Heath ang mag-usap." sabi ng Ama ni Sir. Nag-paalam muli sila sa anak.
"Hatid ko na po kayo sa elevator, Madame and Senyor."
Ngumiti ako sa kanila and naglakad na kami. Si Sir Heath naman ay pumasok muli sa opisina niya.
"Hija, do you have a boyfriend right now?" Tanong ni Mrs. Del Mundo. Hinawakan niya ako sa braso.
"I don't have a boyfriend, Madame."
"Well, Heath doesn't have any flings or girlfriend... bakit hindi na lang kayo.. You know," base sa tono ni Mrs. Del Mundo, natutuwa na naman siyang iasar sa akin ang anak niya.
"H'wag mong i-pressure ang mga bata, Ysa. I think, iba ang way ng mga kabataan ngayon. Heath knows what he wants and Anniesyd knows what she values. Right, Hija?"
Sa sinabi ni Mr. Del Mundo na iyon, grabe. Sarap pasalamatan! Mabuti na lang nandyan siya upang umawat sa asawa dahil kung hindi, kung saan saan na naman aabot ang pag-uusap naming ito.
"Gustong-gusto kong i-reto si Anniesyd kay Heath. Kaso alam ko naman na hindi ako ang makakapag-desisyon sa ganoong bagay."
"Pinag-iinitan mo na naman ang bunso mo. Kaya pinapaalis agad tayo, e."
Napahalakhak kami sa sinabi ni Mr. Del Mundo.
"Your son is hot headed! Si Anniesyd nga lang ang nagtagal na sekretarya niyan."
"Hindi naman po. Maikli lang pisi ng patience ni Sir Heath pero ayos lang naman ugali niya," sabi ko. Totoo naman. Walang halong kalandian.
"See! Napaka-bait mo talaga, Hija! I'm surprised na wala kang masugid na manliligaw man lang!"
"Sobrang attention ko lang po talaga muna trabaho."
"Sa trabaho o sa anak ko?" Agad humalakhak ang dalawang matanda. Tumawa na lang din ako. "Just kidding, Anniesyd. Anyway, would you mind if I ask you to come sa dinner namin nila Heath? Possibly, one of these days."
"Sige po."
"Hayy, gusto ko na talaga magka-apo kay Heath. Kailan niyo ba ako bibigyan, Hija?"
This time, nagulat na ako kay Madame!
"M-ma'am?"
"Hindi naman na kayo bumabata." sagot pa ni Madam.
Grabe! Ganito kaya ang Mama ni Sir Heath sa mga nakakasama ng anak niya? Or sa ex-girlfriends ni Sir Heath? Nang makalapit kami sa elevator ay agad kong pinindot ang button nito. Kung anong dinaldal nito ng Mama ni Sir Heath, siya naman kinabaliktad niya.
"Take care po Mr. and Mrs. Del Mundo," I waved and smile as the elevator close.
Muli akong naglakad patungo sa opisina ni Sir Heath habang napapahilot sa sintido dahil sa mga sinasabi ni Mrs. Del Mundo.
"Wow, Syd. Close na close talaga kayo ng mga magulang ni Sir Heath, ano?" Sabi ni Gab.
"Mabait naman kasi sila sa akin."
"Hindi ka mahihirap niyan 'pag kayo ni Sir Heath ang nagkatuluyan! Kaunting push pa sa inyo ni Madame, baka mahulog na talaga," sabi pa ni Marky. Tumawa na lang ako dahil hindi naman iyon mahalaga sa akin. They are polite and kind to me, there's no reason to be rude on them.
Kumatok ako sa opisina ni Sir Heath bago pumasok ng tuluyan.
Pinasadahan ko siya ng tingin habang ang mga mata ay nasa papeles.
His thick eyebrows, thin red lips, dark brown eyes, clean cut hair and his neck tie that doesn't proper well-on in his collar makes me wonder kung bakit single pa rin siya. Meztiso at sa tingin pa lang ay mabango na. Ladies in our age are head over heels sa kaniya. From well-influenced family, politics and even celebrities.
Medyo nakabukas na rin ang isang butones ng tux ni Sir Heath. Kung tutuusin, na sakaniya na nga ang lahat eh. Good looks, rich, intelligence and talent. Full package na nga si Sir Heath, kung ako lang.. add to cart ko na agad ito. Kaso malabo.
"Done checking me out?" malalim na boses ni Sir Heath. Agad akong napaayos ng paglalakad papunta sa kaniya.
"N-no, Sir. Uhm, sorry."
Inayos niya ang mga papeles at pati na rin ang upo niya. Lumapit naman ako sa table. Kinuha ko ang tickler ko para masabi ko na ang mga plans for tomorrow.
"Tomorrow, Sir, you'll be in the meeting around 9 in the morning with the investors from Cebu. More or less that will consume your 2 to 3 hours. Your lunch will be at Solaire with Mr. Sy. After that you'll be in Rizal to check the site."
"Cancel the last one," he said.
"Sir, that was already planned for a week. Sino ang ipapadala ko for proxy? Should I be the one to go, Sir?"
Umangat ang tingin niya sa akin.
"Sabi ko nga hindi ako e," pagbawi ko. Grabe naman kasi yung tingin niya sa akin! Parang may mali sa sinabi ko.
"You're coming with me in Davao."
Napaawang labi ko. "Uhm, S-sir. Wala naman po yata sa schedule niyo 'yan?" Hinanap ko sa tickler ko ang schedule niya papuntang Davao pero wala. Chineck ko rin ang cellphone ko for reminders na aalis siya kaso wala rin.
"Wala nga."
"A-ano pong meron sa Davao, Sir?"
"Do you wanna go with me or not? I can go there without you anyway."
Sungit! Ta-tanong lang naman.
"Okay, Sir. Kailan po ba?"
"Cancel the last schedule for tomorrow so you can go home early and pack your things. We'll be at the airport 8 in the evening."
"Noted, Sir. How many formal attires niyo po ang ipapaayos ko na tomorrow morning for the conference in Davao?"
Napaayos muli ako ng tayo dahil tinignan na naman niya ako na parang tagos hanggang buto.
"Who said it will be a conference meeting?"
"Iyon naman po lagi ang reason bakit may out of town kayo, 'di ba?"
Kumunot lalo ang noo niya. Grabe, iyan lagi ang exercise niya sa mukha niya. Ni-hindi man lang nabawian ng ngiti yan. He cleared his throat and then he continue with this paper works. "Sabi nila Mom and Dad, our family needs to laylo. We need a break. Five days from now, magkakaroon ng Grand Reunion ang Del Mundo sa Ancestral House namin sa Davao."
Tumango ako. Hinahanap ko kung ano magiging purpose ko doon sa Grand Reunion nila eh wala naman palang trabaho akong pupuntahan doon? Does he needs a maid or something?
"I need you to come with me as my Fiance."
--