24.
"Sir Heath–"
Hinatak niya ako pahiga ng kama at nahiga roon!
Bakit naman kasi pumunta 'to rito!?
"Explai–"
Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong busina! Napa-balikwas ako ng tayo at nagma-madaling bumaba!
Shit!
Baka sina Mom at Kuya 'yon!
Agad ako'ng pumunta sa gate para tignan kung sino ang dumating pero nakita ko ang kulay dilaw na sasakyan sa harap at may tao'ng nandoon.
"Who's that?" Himig ni Sir Heath sa likod ko. Bahagya pa 'kong nagulat sa presensiya niya sa likod ko. "Gio."
Nauna siyang lumabas nang marinig ko ang huling sinabi niya. Sinundan ko siya palabas ng gate at grabe! Ang kinang ng sasakyan na 'to! Mukha pa'ng drag race!
"Gio," sabi ni Sir Heath at nakipag-fist bomb.
Si Gio pala na pinsan niya!
"Sorry sa istorbo pero may gusto lang sana 'ko sabihin, e," sabi ni Gio. Nakita niya 'ko at ngumiti siya ng maliit.
"What? What happened?"
Medyo na-feel ko na kailangan ko na muna'ng pumasok sa loob para makapag-usap sila with privacy. Mukha kasing seryoso si Gio sa sasabihin niya kay Sir Heath kasi pinuntahan pa talaga siya rito sa Antipolo.
I excused myself.
Ano kayang sasabihin ni Gio?
Mukhang importante talaga.
Ilang segundo lang nang kakaupo ko pa lang dito sa sala ay sumunod na si Sir Heath kasama 'yong pinsan niya na si Gio.
"Tinawagan lang ako kanina. Mga tatlong oras na raw siya roon," sambit ni Gio.
Bumaling ako kay Sir Heath.
He looks.. He looks terrified and sad.
He gathers his things.
Ano'ng nangyayari?
"How stable is she?" Tanong ni Sir Heath at naka-pamaywang at bakas ang pag-aalala sa mukha. "How stable is she when she's unconcious!?"
Nagulat ako nang mag-taas siya ng boses.
Bigla ako'ng natakot sa mga nangyayari n hindi ko alam.
"Kumalma ka nga! 'Yon lang sinabi sa 'ken."
"I'll call Eli. We need to go there," mabilis na lumabas ng bahay si Sir Heath leaving me clueless. He's furious.. mad? For what?
"Sorry, Syd," biglang sabi ni Gio. "We have a family problem right now. Nasa hospital si Lola, stable naman ang stat pero baka raw ma-uwi sa comatose. Kasama ni Lola si Rose– 'yong kapatid ni Rev, nawala raw siya sa focus mag-maneho at nabangga."
Mabilis na sabi ni Gio sa 'kin.
"O–ok..." I didn't know what to say. "So, uuwi kayo ng Davao ngayon?"
"Oo. Sige, mauna na 'ko. Tawagan mo na lang si Heath. Sabihin mo na kumalma siya. Hindi namin gusto na magkaroon na naman ng away."
Tumango lang ako at umalis na Gio.
Hindi ko agad na-absorb 'yong sinabi ni Gio tungkol sa Lola nila.
Napa-upo na lamang ako sa sofa atsaka huminga. 'Yong Lola raw nila ay na-aksidente?Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinwagan si Sir Heath. Akala ko ay hindi siya sasagot.
"I'm sorry, I left you there. Xitrix will go there to fetch you. Alright? You're coming with me in Davao."
"N-noted Sir Heath," agad akong tumakbo sa kwarto at hinanda ang mga gamit ko.Binaba ni Sir Heath ang tawag. Nag-aalala ako sa ngayon. Alam kong lumaki siya kasama ang Lola niya kaya ganitoo na lang ang pag-aalala niya.
He's too close with his Grandmother. Mabilis kong inayos ang mga damit ko. Nag-ayos na ring ako ng suot ko, simpleng t-shir lang at jeans. Ilang minuto pa ay may bumusina na sa labas ng bahay. Nag-iwan ako ng note sa ref, telling we need to leave for Davao. Hindi ko na gaano in-explain sa note para kina Mommy. I'll call her when we land at Davao.
Saktong palabas ako ng pinto ay tumawag ulit si Sir Heath.
"Xitrix is waiting outside."
"Oo, palabas na 'ko, Sir Heath," nakita ko ang isang Mazda na sasakyan at nakababa ang window nito sa driver's seat.
"Syd," tumago lang ako at na-mukha-an ko naman agad si Xitrix dahil nakita ko naman na siya sa Davao rin. Pumasok na 'ko sa sakyan.
"Sir Heath. Paalis na kami," sabi ko at binaba ko na ang tawag.Mabilis ang pagpapa-takbo ni Xitrix kaya madali kami'ng nakarating sa airport.
After ni Xitrix mag-park ay sinamahan na niya ako papasok. Katulad din ito nang way nakmin noong una kong biyahe papuntang Davao. Buong biyahe ay hindi na rin kumi-kibo si Xitrix. Apektado silang lahat sa nangyari sa Lola nila.
Matapos ang ilang paglakad ay naabutan ko sina Sir Heath, Eli at Hizon na nag-uusap. Nang makita ako ni Sir Heath ay agad niyang sinakop ang katawan ko para yakapin. He's... different now. He's cold and shiverring. Binaon niya ang kaniyang mukha sa leeg ko. Hinagod ko naman ang likuran niya.
"Nandito lang ako,l-love," I murmured. After a minute, kumalas na siya sa yakap at hinalikan ang sintido ko. "She'll be okay."
Nauna nang maglakad sina Xitrix papunta roon sa eroplano.
Nang makasakay na kami ay tahimik pa rin 'tong apat. Habang nasa airplane ay inalukan ko ng bottled water si Sir Heath. Kaka-uwi niya lang galings Scotland tapos heto pa ang bubungad sa kaniya. Biyahe na naman siya ng eroplano. I pffered him water but he refused at hinatak niya ako para mapa-upo. Hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko then he slides his hand to mine and close it.
Naging mabilis ang pag-lapag namin sa Davao. Inabot lang kami ng 40 minutes papuntang Hospital kung saan sinugod 'yong Lola nila.
"Room of Margarita del Mundo," sabi ni Eli sa Nursing Station.
"Nasa ICU pa Sir ang pasyente. Nandoon din po 'yong asawa niya. 3rd floor po, dulo,' sabi naman nung Nurse.
Agad na nagtungo kami sa elevator.
"ICU?" Sabi ni Sir Heath. "How about Rose? Where is she?"
Ramdam ko ang lamig sa boses na 'yon ni Sir Heath. Ngayong hawak ko siya ay ganoon kalamig ang kamay niya.
"Will you calm down? She's also injured!" Sagot naman ni Eli sa kaniya na parang alam niya na kung bakit niya tinanong kung nasaan si Rose.
"She's not in the ICU," tumango-tango si Sir Heath. Hinigpitan ko kaunti ang hawak ko s akamay niya at napa-tingin ito sa 'kin. Umiling ako at pinakita ko'ng nag-aalala ako sa kaniya. Hinagod niya ang likuran palad ko. Habang pa-akyat kami ay halos dumagundong ang puso ko sa sobrang lakas.
Nang tumunog na ang elevator ay lumabas na kami habang nagma-madali.
Habang palapit doon ay humi-higpit ang kapit ni Sir Heath sa kamay ko.
We saw their Grandfather. Facing the floor habang naka-upo.
"Lo," lumapit si Xitrix kaya tumayo na ang Lolo nila at nag-yakapan silang dalawa. "How's Lola?"
Tinuro niya ang tapat ng room at nakita namin doon ang Lola nila na may mga aparato na sa katawan. Lumapit si Sir Heath sa pinto upang tignan ang Lola niya. Mula kaninang nagkita kami ay hawak niya ang kamay ko at ngayon niya lang ako binitawan at dahan dahan siyang lumapit sa pinto.
Pina-una ko siya roon at naiwan ako rito banda sa upuan na naka-tayo. Ilang segundo pa ay nakita ko'ng umuga ang balikat ni Sir Heath at agad siya'ng sinalo nina Hizon dahil pa-tumba na siya. Hindi ko agad siya na-salo dahil ngayon ko lang siya nakita'ng umiyak.
Tumaas ang balahibo at natakot ako para sa kaniya.
"She's unconcious. Hinihintay pa namin 'yong resulta ng x-ray but the Doctor suspected she had internal bleeding in the brain that may lead to comatose or.. death," sabi noong Lolo nila na pinilit hindi maiyak.
"Saan ba sila papunta ni Rose, Lo?' Tanong ni Hizon.
"I don't know, ang sabi niya lang aalis sila dahil daw magpapa-spa sila."
Sir Heath is still grugding his shoulders and silently criying. Tsaka lang ako nataihan nang ilang minuto na siyang umiiyak.
"Love, come on," sabi ko at inaaya siya maupo muna. Baka siya naman ang mag-collapse nang dahil sa walang tulog at pagod. Mabuti na lang ay umupo rin naman siya sa bench at naka-yukong pinu-punasan ang mukha niya. I entertwined our hands to make assurance na nandito lang ako sa tabi niya.
"Where's Rose, Lo?" Tanong naman ni Eli. "Is she okay?"
"I think she's okay. Injured lang ang right shoulder and arm niya pero hindi naman malala."
Tulala ngayon si Sir Heath matapos niya'ng punasan ang mukha niya.
"I'll go to Rose," sabi ni Hizon.
"Mabuti pa nga. Tignan mo kung gising na ba siya," tugon ng Lolo nila.
Inabot kami ng kahalating oras na nasa labas ng room ni Lola Madam. Tahimik lang kami. Sina Xitrix at Eli ay tulog at naka-sandal sa dingding ang ulo nila. Si Sir Heath naman ay tulala. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kaniya pero in-offer ko'ng matulog muna siya o umidlip katulad ng mga pinsan niya. Sa una ay nakipag-talo pa siya sa 'kin pero kalaunan ay pumayag na rin. Pinahiga ko siya sa hita ko. Tinakip ko sa mukha niya ang panyo ko para makataulog siya ng maayos.
"Heath's hero is his Grandma ever since," pag-uumpisa ng Lolo nila mag-kwento nang ilang minuto nang tulog si Sir Heath kaya tinignan ko siya. "Ang Lola niya ang ka-kampi niya kapag hindi sila magka-sundo ng magulang niya. Lalo na noong nag-away sina Heath at Rev. Nasa Antipolo pa kami noon."
Narinig ko pa'ng natawa nang mahina si Lolo. "Naalala ko noong narinig ng Lola nila ang pag-uusap ni Heath at Rev tungkol sa isang babae. Ilang beses pinahanap ng Lola niya ang babaeng gusto ng dalawa niyang apo. Heath tried to explain na siya ang unang nagka-gusto at una niyang nakita ang babaeng 'yon kaya kinausap ng Lola nila si Rev kaso matigas ang ulo rin, hindi nag-patalo. Laging nagpa-paubaya si Heath sa mga bagay kaya sinubukan niyang alisin sa isip niya 'yong babae. Noong tumigil si heath, tumigil din si Rev. Until they went to same university, Heath called his Grandma to tell her na nasa iisang university din sila noong babae but he's hesitant kasi nga nandoon din si Rev sa university. He protected that girl from Rev, may reputasyon kasi si Rev sa mga babae noon– papa-ibigin at 'pag nagsawa ay iiwan na. So, Heath restricted himself. Hanggang sa naging mapag-laro na ang tadhana. Naging sekretarya na niya 'yong babaeng gusto niya."
Natigilan ako.
"He protected you from what may happen and keep you from his heart kahit malayo ka sa kaniya," saad ng Lolo niya habang nakatingin sa 'kin na may ngiti.
**