Hinihingal nang bumangon si Cindy sa kaniyang pagkakahiga nang magising siya sa mga tilaok ng mga manok mula sa labas. "Hah, hah, isa na namang makatotohanang bangungot." mahinang ani niya sa kaniyang sarili. Mabilis siyang bumangon at nagtungo sa salamin upang suriin ang kaniyang kabuohan.
Wala paring pinagbago sa kaniyang kasuotan. At wala ring bakas na panggagahasa sa kaniya ng estranghero. Gayun din ay wala rin siyang nararamdamang masakit sa pagitang bahagi ng kaniyang hita tulad ng isang babaeng nakaranas ng unang beses nitong makipagtalik.
Nagpakawala na lamang ng malalim na buntong hininga si Cindy. Suguro ay dahil sa kalumaan na ng bahay ng kaniyang lola Maximina ay hindi imposibleng walang nagpaparamdam o kababalaghang nagaganap sa kaniyang pamamahay.
Iniiling na lamang ni Cindy ang kaniyang ulo at nagsimula nang mag handa na dahil ngayong araw sila pupunta sa paaralan upang magpa-enroll sa kaniyang magiging bagong paaralan.
Matapos nilang asikasuhin ang kaniyang enrollment ay napagdesisyunan nilang mamasyal muna sa mga mall na naroon sa poblacion. Napagdesisyunan niya nang palitan ng bago ang kaniyang salamin sa loob ng kaniyang kwarto at muling ibalik ito sa loob ng basement.
Napapaisip siya na baka nangyayari ang mga kababalaghan sa kaniya dahil sa pakikialam niya sa mga kagamitan na naroon sa basement. Muli niya na namang naalala ang mga naging pag-uusap nila ni Suding noong isang araw. Na ipinagbabawal sa kanilang pumunta sa basement upang mag laro.
***
Nagdaan ang mga gabing naging maayos ang kaniyang tulog. Dahil na rin sa iisang kwarto na ang kanilang tinutulugan ng kaniyang kasambahay na si Aling Brenda. Simula nang lunes ay hindi na ito natutulog sa kaniyang mismong kwarto at nakikitabi na lang ito sa matanda.
Naalimpungutan si Cindy na makarinig siya ng malalakas na kalabog na nagmumula sa ibaba. "Alinh Brenda," mahinang bulonh niya sa matandanh kasambay ngunit mahimbing ang pagkakatulog nito at humihilik pa. Kaya naman napagdesisyunan na ni Cindy na mag-isang silipin kung ano ang lumilikha ng ingay mula sa ibabang bahagi ng kanilang silid.
Hawak hawak ang kaniyang cellphone na nagbibigay liwanag sa kaniyang daan ay mag-isa niyang tinahak ang madilim na pasilyo pababa ng hagdanan.
"S-sino yan?" kinakabahan niyang tanong hababg lumilinga linga sa buong paligid.
Blag!
"Ahh!!" halog atakihin siya sa sobrang gulat nang malakas na kumalabog ang pintuang nasa basement kaya naman napalingon siya rito at tinutukan nang kaniyang ilaw.
malalim ang paghinga ni Cindy bago naglakas loob na muling magtanong. "S-sinong nariyan?" matapang niyang wika ngunit walang sumasagot. Halos mabitiwan niya ang kaniyang cellphone nang muli itong kumalabog ng tatlong beses.
Marahas at buong tapang niyang binuksan ang pintuan ng basement at inilawan ito. Ngunit wala ni isang tao ang naroon. Isasara na sana niya ang pinto ngunit may isang kamay na marahas na humila sa kaniya papasok sa loob kaya naman muli siyang napasigaw nang pagkalakas lakas.
"Ahhh!!! Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" pagpupumiglas ng dalaga.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!!!!"
"Hinding hindi kita mapapatawad!!!"
"Tama na tigilan mo na ako!" umiiyak na pakiusap ni Cindy habang naka-hawak sa kaniyang tenga. Paulit ulit nitong sinasabi ang katagang iyon na para bang ayaw nitong tantanan si Cindy at ganun na lang kalaki ang kasalanan ng dalaga rito.
"Cindy! Cindy! Gumising ka Cindy!" malakas na wika sa kaniya ni Aling Brenda habang tinatapiktapik ang kaniyang pisngi.
Nagising si Cindy na humihingal, pawisan at takot na takot. "A-Aling Brenda," umiiyak niyang wika sa matanda at napayakap rito.
"Wag ka nang umiyak Cindy. Tahan na." pang-aalo nito sa kaniya habang tinatapik anv kaniyang ulo.
"Ano ba kasing napanaginipan mo ihja?" nagtataka nitong tanong sa kaniya.
Ang buong akala niya ay totoo na naman ang kaniyang panaginip. Dahil ramdam na ramdam niya ang mga pangyayari at nangyayari na para bang hindi ito isang panaginip.
"Aling Brenda wala ba kayong nararamdamang kakaiba sa mansion?" tanong ni Cindy nang mahimasmasan ito.
Umiling muna ito bago sumagot. "Wala naman. Hindi ka lang siguro sanay na tumira rito sa lumang mansion."
"Aling Brenda. May nagpaparamdam po sa akin simula nang kinuha ko ang salamin na naroon sa basement ng bahay. Simula non parating may lalaking nagpapakita sa akin, sa panaginip ko." kwento ni Cindy kay Aling Brenda. Halos hindi naman makapaniwala ang matanda. Dahil naranasan niya nang magtarabaho rito sa lola Maximina ni Cindy ngunit wala namang nagpaparamdam kahit mah kalumaan na ang mansion.
"Baka minamaligno ka na ihja. May kakilala akong manggagamot. Baka alam niya ang solusyon sa iyong problema. Sabado naman bukas kaya sumama ka na lang sa akin pauwi sa bahay namin. Para hindi ka naman matakot kung mag-isa ka na namang maiiwan rito." nag-aalalang pahayag ng matanda sa kaniya. Malungkot namang napangiti si Cindy at yumakap sa matanda. "Salamat po Aling Brenda." ani niya rito.
***
Kinabukasan sumama na si Cindy sa kaniyang kasambahay na si Aling Brenda. Alas sais palang ng umaga ay bumyahe na sila patungo sa kabilang baryo sakay ng inaarkelahan nitong trycicle. Disidido na kasing humingi ng tulong ni Cindy sa albularyo dahil hindi na talaga normal ang mga nangyayari sa kaniya sa loob ng mansion.
Mahigit 30 minutes ang byahe nito mula sa kanila hanggang sa kabilang bayan. At lalong nagpatagal pa ang mabatong daan patungo sa baryo nina Aling Brenda. Nang makarating ito sa kaniyang bahay ay dumaan lamang sila upang iwan ang kanilang mga gamit roon at dumeretso sa bahay ng sinasabi nilang albularyo o manggagamot. Mga ilang minuto lang ay nakarating na sila roon, ngunit kinakailangan pa nilang maglakad patungong kagubatan dahil naroon nakatayo ang kubo nang matanda.
"Mabuti na lamang ay naalala ko pa ang daan. Matagal tagal na rin simula nang huli kong punta rito ihja." panimula ni Aling Brenda habang naglalakad sila.
"Humingi rin po ba kayo ng tulong noo?" tanong nito.
"Kaming taga rito sa baryo paatan ay kilalang kilala siya. Marami na siyang natulungan na may mga sakit na hindi kayang ipaliwanag ng doctor at agham. Humingi kami rito nang tulong noong tunubuan ng mga bulutoy sa katawan ang aking anak nang maglalaro laro ito sa tabi ng punso sa likuran ng aming bahay noon. At ang sabi ni Mang Pedro ay nagalit ito kaya naman siya ang nag-atang ng alay roon at kumausap sa mga ito." mahabang kwento nito sa kaniya na tila nagbabalik tanaw sa kaniyang mga alaala.
"Oh, ayun na pala ang kubo ni Mang Pedro." ani nito at itinuro ang isang maliit na kubong nasa unahan.
"Magandang umaga po Mang Pedro." bati ni Aling Brenda sa matandang nasa kubo nang mapasok sila sa tarangkan nito. Agad naman nilang nakita ang matandang nagluluto ng kaniyang agahan.
"Bakit ka naman napadpad rito Brenda?" ani ni Mang Pedro sa Ale.
"Nako ito kasing alaga ko gustong humingi ng tulong sa inyo." ani ni Aling Brenda sa matanda.
"Ano namang maipaglilingkod ko sa iyo ihja?" tanong nito kay Cindy.
"Gusto ko po sanang humingi ng tulong dahil may nagpapakita po sa aking lalaki sa mansion at gusto niya akong saktan." ani ni Cindy sa kaniya.
"Ang ibig mo bang sabihin ay iniengkanto ka?" tanong ng matanda at naupo sa kaniyang upuan. Itinuro naman nito ang isang mahabang bangko at inanyayahan siyang pumasok at maupo.
"Hindi ko rin po sigurado. Hindi naman siya muhang engkanto. Mukha siyang taong nagmula pa sa nakaraan dahil sa suot niyang damit." ani ni Cindy rito.
"S-sigurado ka ba sa sinasabi mo ihja?" ani ni Mang Pedro. Tumango naman si Cindy bilang tugon.
"Opo sigurado po ako. Naka suot siya ng damit na nakikita ko sa mga panuod na makaluma. Sinasabi niyang pagbabayaran ko ang lahat ng ginawa ko sa kanya. Simula nang tumira ako sa mansion ay parati ko nalang siyang napapanaginipan. At parang totoong too ang mga nangyayari sa panaginip ko." ani ni Cindy rito.
Saglit naman itong natahimik na tila napapaisip sa kaniyang gagawin."Kung gayon ay sasabay ako sa pag-uwi niyo para makita ko ang buong lugar. Upang malaman ko ang mga nararapat na gawin." ani ng matanda.
"Maraming salamat Mang Pedro." sabay na ani ng dalawa. "Susunduin ka nalang namin rito sa linggo ng umaga upang maihatid ka rin namin pagsapit ng hapon." ani naman ni Aling Brenda.
"Walang problema Brenda." ani nito sa matanda. "Sige po, mauuna na po kami." magalang na ani nito bago umalis.