bc

The Man Who Was Cursed With The Antique Mirror (tagalog)

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
HE
time-travel
opposites attract
bxg
mythology
small town
cruel
like
intro-logo
Blurb

Cindy Reyes was a college student with complicated family. The only she can do was to study to get out from the hell she was in. But her complicated life becomes more complicated when her grandmother bequeathed her the hacienda and all of her properties.While walking in her mansion she notice the small door that towards to the basement of the house. When she enters, she saw the antique mirror and bring it to her room.But little did she know, there was someone who was cursed together with the mirror. It was Marcus Del Rosario, the former owner of the hacienda.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Her Inheritance
May 2025 Dear Clara, I would like to enherit all my properties and land to my grandchild, Cindy. This is my last will testament. Whether you like it or not, she was a Flores and she will ever be. I want her to have a contented life she deserve more than you can give. Since my son, doesn't have a plan on coming back and I feel really sorry for what I did to you before. And also letting my son left you without nothing. This is for my grandchild to have a better life and away from your current family. I know that your stepchild's was treating her like their slave. That is why I already prepared all the documents for her before I left this world. I already instruct my caretaker to take care of her and teach her on how to manage my business and properties. This is all I wish, may my grandchild have a better future and may God bless her. Sincerely yours Maximina Flores Napauntong hininga na lang si Cindy matapos niyang basahin ang sulat na ipinadala sa kanya ng kanyang lola Maximina bago ito pumanaw. Ilang beses niya na rin itong binasa bago siya nakapagdesisyon na tanggapin ang alok ng yumaong matanda. Hindi niya man lang nakita ng harap harapan ito at naka-usap bago ito pumanaw. Dahil sa hidwaan nito at ng kanyang ina noon. "Cindy? Naayos mo na ba ang mga kailangan mong dalhin? Na prepare mo na ba lahat?" tanong ng kanyang ina nang bigla na lang itong pumasok sa kanyang silid. "Opo ma, sa tingin ko wala na akong naiwan" ani niya rito at mabilis na itinago sa ilalim ng unan ang sulat ng kanyang lola bago nagpasyang bumaba sa kaniyang higaan. "Andyan na po ba si Manong Karding?" tanong niya rito, na ang tinutukoy ay ang caretaker ng mansion at hacienda ng kaniyang lola. "Oo bago lang, nasa sala siya ngayon nagkakape at nakikipag kwentuhan kasama ng iyong tyuhin. Alam mo naman kung gaano yun ka welcome sa mga bisita." pabiro pang sabi ng kanyang ina. "Susunod lang po ako ma," ani niya sa kanyang ina na pawang tinataboy ito palabas. Nagpakawala naman ito nag isang buntong hininga bago nagpasyang lumabas. Ngunit bigla itong napahinto sa entrada at nagsalita. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo Cindy?" malungkot na ani ng kanyang ina. "Final na talaga ma, at saka bibisita rin naman ako rito kapag bakasyon." ani nito sa kanya "Sige, kung yan na talaga ang gusto mo. Bumaba ka na rin agad dahil naghihintay na sa'yo si Manong Karding. Nang makarating sila gate ng Mansion, ang buong akala ni Cindy ay bahay na ng lola niya ang madadatnan niya pagpasok nila sa loob ngunit malawak palang kapunuan ng mga rubber at sa dulo pa no'n ay ang mala mansiong bahay na tila panahon pa ng hapon itinayo dahil sa itsura at istilo nito. "Sino po sila?" tanong niya kay Mang Karding at itinuro ang mga taong nakatayo sa tapat ng mansion. "Ah sila ang pamilya ko. Doon naman sa bandang 'yun ang bahay namin." ani nito at itinuro ang medyo may kalayuang bahay sa unahan ng mga palayan na sapat lang na matanaw niya sa liit nito. Isa iyong bahay na gawa sa kubo at kalahating semento. "Binigyan kasi kami ng isang hektaryang lupa at tirahan ng yumao mong lola dito sa loob ng hacienda niya. Kaya sa paligid ng bahay ay may mga gulayan na pandagdag kita na rin at magamit sa pang araw-araw na gastusin." dagdag pa nito. Tumango na lamang si Cindy bilang tugon habang tumiting tingin sa paligid "Maligayang pagdating ihja." masayang salubong sa kanya ng medyo may katandaang babae. At may dalawang anak , isang lalaki at isang babae, na sa tantya n'yay nasa sampong taong gulang na ito at ang lalaki ay nasa walong taong gulang. "Maraming salamat po." ani ni Cindy rito at nagmano bilang pagrespeto sa nakakatanda. "Tara na pumasok na tayo upang makapag miryenda." masayang wika ng ginang. "Ay teka, ibaba ko po muna ang mga gamit ko." ani niya. "Nako, huwag na. Si Karding na ang bahala d'yan. At saka ikaw ang prensesa namin dito kaya hayaan mong pagsilbihan ka namin." ani nito sa kanya. "Nako, hindi naman po. Ok lang naman po sa akin ang tumulong rin. At saka mga gamit ko rin naman po ang mga iyan." ani niya. "Sige, pero mamaya na lang 'yan." ani nito sa kanya at hinila na siya papasok sa kanyang magiging tahanan. Hindi naman maiwasang mamangha ni Cindy sa ganda ng loob ng bahay. Yari ang lahat ng kagamita sa matitibay na kahoy na napahidan ng chimical na siyang nagpapakintab nito kahit na lumipas na ang isang daang taon. Talagang na preserve ng mabuti ang mga kagamitan na parang dinadala ka sa ibang panahon. Panahon ng mga español. "Pasensiya na kung hindi tulad ng kinalakihan mo ang mga disenyo ng bahay. Gusto mo bang palitan ng latest design?" ani sa kanya ng babaeng caretaker. "Nako, ayos lang po 'yon sa akin. Gusto ko nga po ang disenyo e." manghang wika ni Cindy sa ginang. "Ay matanong ko nga po pala ang pangalan niyo? Kanina ko pa po kasi kayo nakakausap at di ko man lang nagawang matanong kanina." nahihiyang wika ni Cindy sa kanya. "Ay oo nga pala, pati ako nakalimot rin." natatawang wika ng matanda. "Kami nga pala ang caretaker ng lola mo rito sa hacienda at mansion, Ako nga pala si Sonya, tawagin mo nalang akong Aling Sonya at ang kasama mo naman kanina ay si Karding. Ito nga pala ang aming mga anak. Medyo malilit pa, kala ko nga di na kami magkakaanak e dahil may edad na kami nu'n pareho nang magpakasal kami. Sila ang mga anak namin. Si Saya at si Milo. Isang grade 6 at grade 3." masayang pakilala niya sa kanyang mga anak. "Ito po ate," masayang wika ni Saya sa kanya at iniabot sa kanya ang isang mangkok ng kamote cue at isang baso ng kalamansi Juice. "Thank you," masayang wika niya sa bata. Nahihiyang ngumiti naman ito sa kanya bago naupo sa tabi ng kanyang ina upang sumalo sa kanila sa pagkain. "Mula ngayon ikaw na ang mamahala sa mga naiwang negosyo at ari-arian ni Lola Grace." panimula nito sa kanya. "Paano po ako nahanap ni Lola?" muli niyang tanong rito na inililihis ang usapan tungkol sa negosyo. Ayaw niya pa kasi itong mapag-usapan dahil bukod sa hindi pa siya nakahanda rito ay hindi rin siya sigurado kung mas mapapalago niya rin ito. At nagtataka rin siya kung papaano siya nahanap ng kanyang lola. Kasi kung tutuusin ay napakalayo ng lugar nito sa kanilang lugar. At mahigit anim na oras ang babaybayin bago makarating sa lugar nila. "Hindi ko din alam. Bago siya namatay ay ibinilin ka niya sa amin. Sinabi niya ang address kung saan ka namin mahahanap. Alam mo bang ilang beses na kaming bumalik ng lola mo sa bahay ninyo para makita at makausap ka niya pero pinipigilan kami ng iyong ina. Kung sabagay, hindi rin naman namin masisisi si Carol kung bakit ganun na lang ang galit niya sa iyong lola noon. Ngunit nagbago naman siya, 'yun nga lang huli na." malungkot na wika sa kanya ni Aling Sonya. "Kilala niyo po si Mama?" nagtatakang wika niya rito. "Oo, parang kapatid na din ang turingan namin noon sa isa't-isa. Malapit lang kasi rito ang pinapasukan naming unibersidad kaya dito na rin siya namasukan bilang isang working student at nakilala niya si Señor Arron ang iyong papa." panimula nito. "Hardenero kasi sa lugar na ito ang aming mga magulang ngunit noong nagsisimula nang malugi ang negosyo ng lola mo ay umalis na ang ibang mga trabahante at malawak na ang lupang hindi nasasakahan. Tangging kami na lang ang natitira dahil masyadong malapit ang loob namin kay lola Grace." dagdag pa nito. "Maiba ako. Nag-aaral ka pa ba?" pang-iiba nito sa usapan. "Opo, 3rd year college na po ako sa susunod na pasukan." sagot naman ni Cindy. "Mabuti naman kung ganon. Merong kolehiyo sa lugar natin. Sasamahan na lang kita kung magsisimula na ang enrollment." wika nito sa kanya. "Nako maraming salamat po Aling Sonya." masayang sagot naman ni Cindy. "Kung may kailangan ka puntahan mo lang kami doon sa bahay hah? Kailangan na naming bumalik dahil wala pa pala kami nakapag saing. May mga binili na din akong mga pagkain d'yan na nakalagay lang sa ref at ang ibang mga pagkain ay nasa kabinet." paalala nito sa kanya bago nagpasyang umuwi. Masaya namang nagpaalam ang kanyang dalawang anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook