CHAPTER 2: The Old Mirror In The Basement

1001 Words
Nang makaalis na sina Aling Sonya at ang kanyang pamilya ay nagpasya si Cindy na maglibot libot sa buong mansion. Ang kanyang magiging bagong tahanan. Hindi niya maiwasang mamangha sa ganda nito, kahit na may kalumaan na ang mansion ng kanyang lola ay hindi naman ito napapabayaan at malinis parin ang loob at labas ng mansion. Magaganda parin ang mga antigong kagamitan sa loob na talagang iniingatan sa paglipas ng panahon, at habang naglalakad siya ay pakiramdam niya ay dinadala siya ng kanyang mga paa sa nakaraan. Mas nagpadagdag pa roon ay ang preskong hanggin na nagmumula sa nakabukas na malalaking bintana ng mansion. Ngunit ang naiba lang doon ay ang malaking flat screen na tv at iba pang makabagong kagamitan sa loob ng mabahay. May limang malawak na kwarto sa itaas, ngunit mas pinili niyang sa dating kwarto parin ng kanyang lola matutulog kung saan ang master's bed room. Bukod sa kompleto na ito ng mga kagamitan ay meron rin itong bintana at terrace na direktang pumapasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa hardin. Sa gilid naman ng kwarto ay may maliit na library na sa tingin nya ay puro luma na ang mga librong naroon. Karamihan sa libro ay naglalaman ang mga tungkol sa agricultura na hindi naaangkop sa taste niya sa nobela kaya ipinagsawalang bahala niya na lamang ito. Sa pagbaba niya ng hagdan ay napansin niya ang isang maliit na pinto sa ibabang bahagi ng hagdan. At dahil na rin sa kanyang kuryosidad ay mabilis niyang binuksan ang pinto at umusisa kung anong nasa loob nun. Tulad ng kanyang inaasahan, marami ritong naka tambak na kagamitan at mga lumang libro na pawang ilang taon nang nakatambak dahil sa dami ng alikabok rito. Ngunit sa lahat ng mga lumang gamit na naroon ay ang antigong salamin ang naka kuha ng kanyang atensyon. Malaki ito at gawa sa magandang kahoy ang frame at stand nito. May mga naka-ukit din na desenyo sa frame ng salamin na talaga namang naka-kuha ng pansin ni Cindy. "Bakit naman nila nilagay ang salamin na ito dito at mukhang maayos pa." hanghihinayang na ani ni Cindy habang tinitingnan ang bahagi ng salamin kung mapapakinabangan niya pa ba. "Uy, ang ganda ko dito ah. Sinungaling ata tong salamin ni lola e. Bakit ang salamin na gamit namin sa bahay ay mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang pagmumukha ko?" pabirong ani niya habang nagpo-posing posing pa na feeling model sa harapan ng antigong salamin. "Ay, bet ko to. Kukunin ko nalang to. Sayang naman kung di mapapakinabangan." ani niya at kinarga ang antigong salamin palabas ng basement. Kahit na nahihirapan siyang kargahin ito at i-akyay sa hagdan ay hindi pa rin nag patinag si Cindy na maidala ito sa kanyang kwarto. "Hay, sa wakas nai-akyat rin." ani ni Cindy habang pinapahid ang kanyang pawis. "Nako, kung hindi lang ako maganda sa salamin na ito. Hindi kita pagta-tyagaan na dalhin dito noh." ani niya at naglakad papunta sa kanyang aparador kupang kumuha ng kanyang damit pambahay. Basa na kasi ang kaniyang likuran at kilikili dahil sa pagbuhat ng salamin. Blag! Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla na lang may kumalabog sa pintuan ng kanyang kwarto. Kaya naman napatakip siya sa kanyang katawan. Hindi pa kasi ito tapos magbihis at kinakabahan siyang baka may kung sinong pumasok sa kanyang silid. Mabilis niyang isinuot ang kanyang damit at nagmadaling lumabas upang silipin kung sino ang naroon. "Aling Sonya? Mang Karding?" tawag niya sa mga ito ngunit wala namang sumasagot. Nabuntong hininga na lamang siya at nagkibit balikat. Siguro ay malakas na hangin lamang iyon mula sa bintana. *** Halos hindi makahinga si Cindy dahil sa pagkakasakal sa kanyang leeg. Nagpupumiglas siya habang naka hawak sa kamay na nasa kanyang leeg. Halos kapusin na siya ng hininga dahil sa ginagawa nito sa kanya. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" halos pagalit na sabi sa ng isang boses ng lalaki sa kanya. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita niya ang isang pigura ng lalaking pawang isang anino lamang dahil hindi nito maaninag ang mukha nito. "T-Tama n-na..." kinakapos nang hiningang pakiusap ni Cindy rito. Ngunit hindi siya nito pinapakinggan. Patuloy pa rin ito sa pagsakal sa kanya at nagbibintang ng kung ano ano sa kanya ngunit hindi nya na ito maintindihan hanggang sa nawalan siya ng malay. "Tama na!!!" pasigaw na sambit ni Cindy nang magising siya at biglang napabangon sa kanyang pagkakahiga. Habol habol ang kanyang hiningang nakahawak sa kanyang leeg. Iginala niya rin ang kanyang paningin upang malaman kung may pumasok bang ibang tao sa kanyang silid. Ngunit wala namang ibang tao na naroon kundi siya lamang. "Isang masamang panaginip lang pala. Pero bakit parang totoo?" nagtataka niyang wika habang nakahawak parin sa kanyang leeg. Pakiram niya ay naroon parin ang kamay ng lalaki sa kanyang leeg. Mga ilang minuto siyang pa baling baling ng higa, hindi niya na muling nakuha ang kanyang tulog. Binabagabag parin siya ng kanyang panaginip hanggang ngayon. Mang malingat siya sa orasan ay ganun na lamang ang kanyang gulat. "Halos 30 minutes na pala akong pabaling baling ng higa. Hays, makabangon na nga lang." inis na ani niya at dinampot ang kaniyong roba upang takpan ang kanyang katawan. Sanay kasi siyang hindi nagsusuot ng saplot kapag natutulog dahil sa init ng panahon. Lumabas siya nang kusina upang kumuha ng tubig na maiinom at nagsaing na rin ng kanyang agahan. Na mangha siya nang makita ang laman ng ref at ng mga cabinet na lalagyan ng mga delata. Punong puno ito na talaga nga namang pinaghandaan ng magasawa ang kanyang pagdating sa kanilang hacienda. Nag bumalik siya sa kanyang kwarto ay napatingin muli siya sa lumang salamin. Ngayon niya lang napansin ang tila pulang marka sa kanyang leeg. Marka ng kamay ng isang tao. Kaya naman ay bigla niya na namang naalala ang kanyang napaginipan. "Anong bang nangyayari kanina habang natutulog ako?" nagtataka niyang wika sa kanyang sarili habang tinitignan ang kanyang sarili sa lumang salamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD