CHAPTER 3: Nightmares

1004 Words
"Oh Cindy kamusta ang tulog mo?" tanong sa ni Aling Sonya nang dunaan ito sa bahay kinabukasan upang bigyan si Cindy ng gulay na niluto niya. "A-ayos naman po, medyo hindi lang ako sanay na mag-isa." tila na bulol na ani niya, ayaw niya rin namang sabihin dito ang kanyang masamang panaginip sa unang gabi niya sa mansion. "Ay ganon ba, dapat sinabihan mo na lang ako para nakahanap tayo nang makakasama mo dito tumira. May kaibigan akong pweding mamasukan na katulong mo dito." sabi niya sa akin at inilapag ang pagkaing inihanda niya sa lamesa. "Nako hindi na po, wala po akong ipapasahod." sagot ko naman sa kanya. "Nako ihja malapit na ang anihan ng mga rubber. Huwag kang mag-alala meron namang iniwan ang lola grace mo para sa iyo. At saka kaka-ani lang namin ng palay noong nakaraang linggo pero hindi pa namin nakuha ang bayad." ani nito sa kanya. Nagtataka naman siya kung bakit siya nito binigyan ng isang pirasong nangangalawang na susi. Dahil sa pagkakatanda niya ay ibinilin na sa kanya ang lahat ng susi sa mansion at buong hacienda. "Para saan po ito?" takang tanong ni Cindy sa ginang. "Nako nakalimutan kong ibigay sayo kahapon. Ito ang susi sa kahon na nasa loob ng aparador doon sa kwarto ng lola mo. Hindi ko alam kung asaan doon ikaw nalang ang maghabap. Simula kasi noong inilibing si Lola Maximina ay hindi na ako umakyat dyan. Noong huli kong akyat eh yung nilinisan ko ang mga kwarto dahil darating ka." ani nito, napatango naman si Cindy bilang tugon. Nag kwentuhan pa sila nang dumating ang dala nitong anak. Kaya naman inaya niya na silang kumain dahil nakaluto naman siya ng kanin at hindi rin naman niya mauubos lahat. "Ano na nga pong pangalan nila?" tanong ni Cindy habang naka tingin sa dalawang batang kumakain din. "Ito si Saya at ito namang si Soding." sagot naman nito at isa isang itinuro ang kanyang mga anak. "Ay, hindi ba't nag-aaral ka pa?" tanong ni Aling Sonya sa kanya. Tumango naman si Cindy bilang tugon rito. "Opo aling Sonya. Kaka-graduate ko lang po ng Senior High." ani naman ni Cindy. "Ah, ganon ba. Tutal malapit lang naman dito ang pinapasukang paaralan nina Saya at Soding pwede kang makisabay sa amin na sa enrollment sa USM. Alam mo bang isa ito sa pinaka magandang paaralan dito sa mindanao." ani ni Aling Sonya na talagang pinanagmamalaki ang nasabing paaralan. Sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pinaka-malaking paaralan sa buong pilipinas na may 1,024 hectares at kasali rin ito sa top pagdating sa edukasyon. "Opo sige po. Maraming salamat po Aling Sonya." tugon naman ni Cindy habang naka ngiti. "Nako wala yun ihja. Naging mabuti sa amin ang iyong lola kaya dapat lang na ganon din ang trato namin sa iyo." sagot naman nito. Nang mga sumunod na linggo ay naging maayos naman ang naging tulog ni Cindy. Kumuha na din siya nang makakasama sa kanyang mansion na si Aling Brenda pinsan din ni Aling Sonya ngunit kapag sabado at linggo ay doon siya sa kanyang pamilya upang makapag day off rin. "Mag miryenda muna tayo." aya sa kanila ni Aling Sonya dahil kasalukuyan silang naglilinisa sa bakuran ng mansion para taniman ng mga bulaklak. Napaka pangit naman kasi kung puro damo lang ang makikita doon. "Nako enjoy na enjoy ang mga bata dito sa bahay mo." natutuwang sabi ni Aling Brenda na tinutukoy ang dalawang anak ni Aling Sonya. "Oo naman po. Tinuturuan po kami ni Ate Cindy sa mga susunod na pag-aaralan namin sa school. Advance review daw para madali kaming maka honor." masayang sabi ni Soding sa kanila habang ngumunguya ng suman na ginawa ng kanyang ina. "Sige, kapag naka honor ka mamasyal tayo sa dagat kapag sembreak." natutuwang sabi ni Aling Sonya. "Ako din po mama?" tanong ni Saya kaya napangiti si Aling Sonya. "Oo naman. Tapos isasama natin si Ate Cindy niyo at Aling Brenda." natutuwang sabi ni Aling Sonya. Nagkwentuhan lang sila nang nag-kwentihan hanggang maubos nila ang pagkain at muling bumalik sa paglilinis. "Medyo umiinit na din po, kukunin ko lang po ang kalo at jacket ko sa itaas." paalam ni Cindy sa kanila at umakyat muna ito sa kwarto ko. Habang may kinakalkal si Cindy sa loob ng kanyang aparador ay tila may naramdaman siyang parang may naka masid sa kanya dahil sa mga balahibong natataasan sa kanyang braso. Agad siyang napalingon sa kanyang ikuran at luminga linga sa buong paligid. Ngunit tangging ang kanyang repleksiyon lang sa salamin ang kanyang nakikita. Muli naman siyang napabuntong hininga sa kanyang mga guniguni. Mabilis niya nang kinuha ang kanyang jacket at kalo upang makabalik nang muli sa paglilinis. Nang matapos ang buong araw ay napahilata nalang si Cindy sa kanyang malambot na hingaan. Napagod siyang maglinis sa loob at labas ng mansion. Hindi siya makapaniwalang marami pang aayusin sa buong bodega at pati na rin ang mga nakatambak na schedule niya sa mga gawain sa buong hacienda, simula sa pagrurutor ng mga basakan at pag-aabuno sa mga mais at iba pa. Dagdag pa dito ang mga kinakailangang renovation ng buong mansion. Napatingala na lamang siya sa kisami hanggang sa makaramdam siya ng antok. Ngunit hindi pa siya lubusang nakakatulog nang makaramdam siya nang tila may kamay na humahaplos sa kanyang binti paitaas. Bigla siyang kinabahan na baka may ibang taong nakapasok sa kanyang kwarto. O kaya magnanakaw na gusto siyang pagsamantalahan. Ngunit kahit anong pilit niyang idilat ang kanyang mga mata ay hindi niya magawa dahil mag kung anong pumipigil sa kanyang magising. "Hmm..." bumilis ang kanyang paghinga nang maramdaman niya ang kamay na nakahawak sa kanyang dibdib na dahan dahang bumababa sa kanyang kasilanan. Pilit siyang nagpupumiglas. "W-w-wag!!! I-itigil mo ang ginawamo!" pasigaw na sambit niya kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata. Halos pawisan at habol hiningang napabangon si Cindy at kumuha ng isang basong tubig na nalalagay sa maliit na lamesang nasa gilid ng kanyang kama. "Isa na namang panibagong bangungut." mahinaang bulong niya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD