bc

Kali

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
detective
superpower
like
intro-logo
Blurb

Sa mundong pinapalakad ng mga magicians ang lahat, may lugar ba ang mga humans sa tuktok ng tatsulok? Malalaman yan ni Kali (isang ordinary human) pagkatapos nyang makatapak sa isang mixed Magician and Human University. Dito sya makakakilala ng mga kaibigan at mga kaaway, dahil sa pagiging human at sa mga unorthodox nyang paraan sa pag-gamit ng teknolohiya para labanan ang mga malalakas na magician sa unibersidad nya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“I welcome you all to St. Harrel’s Magic and Sciences University!” bati ni Headmaster Fermian sa mga freshman ng unibersidad. Nagsipalakpakan naman ang mga estudyante sa loob ng Auditorium, kasama na dito si Kali isang human freshman na ngayon lang nakatungtong sa isang malaking unibersidad. Todo palakpak si Kali damang-dama ang kanyang kasiyahan dahil ngayon matutupad na ang pangarap nyang makapag-aral. “Pero bago ako umalis sa podium na to, tinatawag ko muna si Julia Jamison,” madaming naging bulungan sa loob ng Auditorium nagtaka naman si Kali kung bakit nagbubulungan ang mga tao sa loob, “an affiliate from the Magician and Humans Union, she is one of the brightest talents of our generation, scoring an almost perfect score in all the test which consists of Body and Cell Tests, Magic Control, Magic Endurance and Magic Combat Understanding, I give to you the freshman magicians representative.” Lahat ay nagpalakpakan ng makitang nilang papalakad na sa stage si Julia, hindi mawala sa tingin ng mga lalaki sa ganda ni Julia, ang makikinis at maputi nitong balat, maikling buhok, at singkit na mata na bumagay sa walang expression nyang mukha. Nanatili ring nakatitig si Kali kay Julia, hindi dahil nagagandahan sya dito, kundi dahil madami syang gustong matutunan sa babaeng to. Inayos naman ni Julia ang mic na nasa harap nya, akmang magsasalita na sya nang biglang napatingin sya sa isang estudyante na nakaupo sa harap. “Bago ko simulan ang speech ko, may gusto muna akong sabihin kay Richard Velinoso,” napatingin naman ang mga estudyante sa harap, “Nagconfess na ako sayo last summer but yet you rejected me, but don’t worry, I don’t give up that easily, I still love you. And to that girl na nagpapansin sayo, tell her I’ll destroy her soul.” Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Julia, nagpatuloy lang sa pag-ayos ng kanyang sarili si Julia at napangiting tumingin ulit kay Richard. “Sorry, for that unannounced confession…and threat, I’ll start my speech now,” nilinis muna nya ang kanyang lalamunan at nagpatuloy ulit “Goodmorning to our Headmaster, professors, staffs and of course my dear classmates. It is an honor to be standing here right in front of you all, but of course I scored almost perfect scores so I deserve the spot but anyways, I know everyone here is special, everyone in here has the right to step on the grounds of the number one United University in the country. “But don’t misunderstand everyone, I am merely saying nice things but in reality everyone here doesn’t even compare to me,” nagulat ang lahat sa sinabi ni Julia, kitang-kita sa mukha nila ang inis at galit ngunit wala silang magawa, mayabang mang pakinggan ay totoo naman lahat ng sinabi ni Julia, “I just want you all to know the difference between me and the normal magician, treat me different, because I’m the real deal. Thank you have a great day everyone!” Tinapos nya ang kanyang speech ng may ngiti sa mukha at isang mabilis na wink sa audience na nanonood sa kanya. Napilitan namang magpalakpakan ang mga estudyante. Pagkaalis naman ni Julia ay agad pumunta sa podium si Headmaster Fermian. “What a great and confident speech Ms. Jamison,” napatingin naman si Julia, tumango at napangiting umupo, “I must say, even I didn’t expect that, I do hope you live up to those words, because we don’t tolerate failures here whoever you are. Remember this everyone, this university never falls and the foundation that keeps this structure standing is the will and the talent of all the alumni’s who passed the grueling test of time. It is now your turn to be that foundation, and live up to the expectations given to you by the badge you own.” Bigla namang nabuhayan ang mga estudyante sa narinig nilang salita galing sa Headmaster, ang iba sakanila ay tinignan pa at hinawakan ang badge na meron sila ang iba nama’y na pangiti nalang. Sa oras na ring yun ay napansin ni Kali na wala syang suot na badge, tinignan nya mga katabi nya lahat sila may badge. “Now, everyone, let’s welcome the representative from the freshman humans, Mr. Kali Ternate.” Nanlaki ang mga mata ni Kali, hindi nya inakala na sya ang magrerepresent sa human freshman. Hindi rin sya nakapaghanda ng speech kaya kinakabahan sya. Dahan-dahan syang tumayo, lahat ng mga human students ay nakatingin habang sya ay naglalakad papunta ng stage. Kinakabahang inayos ni Kali ang mic sa harapan nya, eto rin ang unang beses na haharap sya sa ganito kadaming tao. Nanginginig nyang itinutok ang mic malapit sa kanya at saka sya nagsalita. “Uh-uhm, p-panu ba to? Uh…ako nga pala si Kali Ternate, magandang umaga sainyong lahat. Uh, ang masasabi ko lang ay masaya akong nakapasok ako sa unibersidad na to, gusto ko ring maging kaibigan kayong lahat, bilang isang binatang nanirahan sa isang liblib na gubat na malayo sa syudad isa tong magandang experience para sakin, uhm yun lang po maraming salamat.” Pinalakpakan habang nagmamadaling bumaba si Kali, hindi nya alam anong gagawin nya dahil hindi sya sanay sa ganitong eksena sa isang malaking pagtitipon, pero wala na syang magagawa, umupo nalang sya at hindi pinansin ang mga matang nakatitig sakanya. “Salamat Mr. Ternate, fun fact everyone, may isang estudyante dito na nagkaroon ng perfect marks sa lahat ng core subjects sa exam natin. He score a hundred in Magic Properties, Engineering studies, Body and Cells, etc., Mr. Ternate here gathered a perfect score in all of those,” nanlaki bigla ang mga mata ni Julia, mabilis syang napalingon sa direksyon ni Kali. Si Kali naman ngayon ay nahihiyang ngumiti nalang at tumitig nalang sakanyang Headmaster. *** “Headmaster?” tawag ng Head Professor na si Prof. Bernabe. “Tuloy ka Bernabe.” Dahan-dahang itinulak ni Prof. Bernabe ang pinto sa opisina ni Headmaster, nakita nyang nagtitimpla ito ng kape. Nakatayo parin si Prof. Bernabe hinihintay na paupuin sya ng Headmaster. Matapos humigop ng kape ang Headmaster ay sinenyasan nya si Prof. Bernabe na umupo na. “Anong kailangan mo Bernabe?” tanong ng Headmaster. “Uh, Headmaster this is about Kali Ternarte.” “What’s with him?” “Kung totoo nga yung sinabi nyo kanina, then we’ll have to be extra vigilant when it comes to Mr. Ternate. I did a lil bit of investigation upon hearing the news recently, it seems like he’s a close companion to Mr. Ronnie Nolando.” “Xtech Corp? The owner?” “Yes sir.” “I see,” nilagay nya ang mug nya sa mesa, “Bernabe, you breached the school rules about our students privacy, Mr. Ternate as of now is a student of our prestigious university, please refrain from investigating regarding this matter.” “I am sorry sir.” “But, you’ve given me a useful information. You’ll only receive a warning for now.” “Thank you sir, I acted out of instinct sir as one of your assets during the war, I could not resist the urge to investigate a threat.” “I understand, let me handle this for now, ang isipin mo ngayon ay kung paano lalakas ang mga magicians ng St. Harrel’s.” “Yes sir.” “Malapit na ang Sectional Tournament, let’s create a roster now.” *** Pagkatapos ng mahabang tour sa loob ng campus ay nakauwi na rin sa wakas sa kanyang dorm si Kali. Mag-isa palang sya pero alam nyang may makakasama pa sya sa kwarto nya, nauna lang si Kali kwartong yun dahil malayo ang bahay niya sa mismong campus, kaya mas pinili na nyang tumira dito isang buwan bago ang pasukan. Nilinis nyang maigi ang kwarto at hinintay kung may kakatok ba sa pintuan. Lumipas ang isang oras ay may isang kumatok sa pintuan ng kwarto, nagmamadali namang binuksan ni Kali ang pinto. Dito nya nakita si Miko, isang human freshman rin, may dala-dalang maleta at bag, halata sa malaking katawan nyang mahilig sya mag-gym. “Ako nga pala si Miko,” bati nito. “Ako naman si Kali, dito ka ba nakaassign na dorm?” “Yes, room 356.” “Tara pasok ka, nilinis ko na yung kwarto para sainyo.” “Akala ko ako yung mauunang makakapasok sa room, kaso sabi nung guard sa baba may tao na raw dito.” “Ah oo, nung nakaraang buwan pa ako lumipat dito. Malayo kasi samin kayo dito nalang ako nagstay.” Binababa na muna ni Miko ang gamit nya at umupo sa kama. Pinagmasdan nya ng mabuti ang kwarto. “Okay na rin, hindi ganito kalaki kwarto ko sa bahay.” “Siguro kasi dahil four or more yung capacity nito kaya malaki.” “Pwede kong gawin yung morning and evening routines ko here without even touching you all’s personal space.” Biglang nagpush-up at nag stretching sa harap ni Kali si Miko, hindi naman na nagulat si Kali, kasi halata naman sa katawan nya. Pagkatapos nyang magpush-up ay nilabas na nya mga gamit nya, napansin ni Kali, ang isang InterSuit, isang gadget na nagbibigay ng armor kapag ginamit ng user. Isang armor na kayang i-counter ang effects ng magic ng ilang oras at nagbibigay ng enhanced abilities sa mga human combat-type users. Pero hindi ganun kadaling gumamit ng InterSuit may training at qualifications para makagamit nito, pwedeng ikamatay ng user ang simpleng pressure na dala ng InterSuit kaya iilang combat-type users meron nito. “May InterSuit ka?” tanong ni Kali. “Ah eto,” pinakita ni Miko ang InterSuit at inabot eto kay Kali, “trainee InterSuit lang yan, 90% less pressure kesa sa mga normal na InterSuit.” “Wow,” maiging pinagmasdan ni Kali ang InterSuit, “kailan ka makakakuha ng normal na InterSuit?” “After ko grumaduate, actually after the Combat-Type Enlistment, nangyayare yun pag third year ka na.” “Madaming proseso pala.” “Oo, kapag wala kang required training or knowledge about sa suit pwede mong ikamatay ang pag-suot nito.” Binalik naman ni Kali ang InterSuit kay Miko, kaagad nya naman itong kinuha at nilagay sa bag. “Nga pala pupunta akong cafeteria, sasama ka?” aya ni Miko. Tinignan naman ni Kali ang kanyang relo. “Tanghali na rin pala, dun nalang rin ako kakain,” pagsang-ayon ni Kali. Pagkatapos magbihis ni Miko ay kaagad na silang lumabas ni Kali. *** Madaming estudyante sa Cafeteria kaya naisipan nilang kumuha muna ng upuan at isa nalang ang mag-oorder ng pagkain. Nag-volunteer naman si Miko na sya na ang mag-oorder kaya naiwang mag-isa si Kali sa mesa. Hindi magawang hindi pansinin ni Kali ang mga matang nakatutok sa kanya. Sumali nung Freshman Introduction, hindi na nawala ang mga mata sa direksyon nya, na tila ba inoobserbahan ang bawat galaw nya. Nakayuko na lamang si Kali dahil sa hiya, pero ilang minuto lumipas nabaling ang atensyon nila sa kakapasok palang na si Julia. Kaagad natahamik ang Cafeteria, nakangiting naglakad papunta sa direksyon ni Kali si Julia, kinuha ang upuan at umupo sa harap nya. “I see, you’re the wonderboy who stole the spotlight from me kani-kanina lang, how does it feel to be the talk of the campus?” tanong ni Julia, habang tinitigan ng may halong pandidiri si Kali. “Uh—.” “You know what forget it, I’ll ask this question instead, how did you cheat?” “Hindi ako nandaya,” sabat ni Kali. “Clearly you cheated, no human can have a perfect score in all of those subjects, specifically body and cells, it is impossible even for magicians,” lumapit at tinabihan ni Julia si Kali, “look, there’s no point in having this conversation, I already knew the truth gusto ko lang malaman paano mo ginawa,” nakangiting sabi ni Julia. “Wala akong ginawa,” pagdepensa ni Kali. “Hindi ka pa rin pala aamin, well, I can’t say I’m surprised, cheaters won’t talk unless they’re forced to—” pinutol ni Kali ang pagsasalita ni Julia. “Isa kang elemental-type, nafeel kong lumamig yung paligid nung nag-iba yung mood mo, bumaba ang temperatura ng cafeteria nang at least one to three Degrees Celsius, pero alam ko iniisip mo, that is not a valid enough reason para malaman ko kung anong magic meron ka, but the biggest giveaway came nung nasa introduction palang tayo. “I knew you developed new magic as an elemental-type, kilala ka sa pag-gamit ng tubig at hangin, simple science what happens when both elements were mixed it creates ice. The air changed temperature for about four to five times during your speech, isang beses naman nung nalaman mong nakaperfect score ako, you’re advance enough to create breeze of freezing air, pero you can’t still control the leaking of magic through emotion. Elemental-Type magicians rely on emotions to produce great magic, unlike Telekinetic-Types who uses their mind. Takot kang sabihin sa publiko na may bago kang magic kasi hindi mo pa alam paano kontrolin ito, dahil sa reputation mo na one of the yougest control elemental-type magicians.” Nanlaki naman ang mga mata ni Julia ng marinig nya ang sinabi ni Kali, ngunit ilang segundo lamang ay napalitan eto ng nakakapangilabot na mga ngiti. “You seem to know a lot about me, stalker ba kita?” “Hindi, at hindi ako interesado sayo. Lahat ng sinabi ko ay nakabase sa kung anong pinapakita mong ugali, habit, pagsasalita at interes. Sa pagkakaalam ko rin isa ka sa mga magician na galing MHU na hirap na hirap when it comes to controlled magic, pero hindi ko naman ipagkakaila na ikaw ang isa sa may pinakamalakas na impact-damage magician sa MHU. You compensated the lack of control with overlapping damage which is very commendable.” “You sure do know a lot and I don’t like it, everyone!” sigaw ni Julia. Napatingin naman sakanya ang mga tao sa loob ng Cafeteria. “From now on, this man right here,” sabay turo kay Kali, “is a cheat and a fraud, think about it guys! No one in the history of magic gathered a perfect score on those subjects, not even the Great Frederick Mosigue!” Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Julia, may ilang sumang-ayon may ilang hati pa rin ang opinyon. Si Miko nama’y dahan-dahang lumapit sa kanilang mesa para ilagay ang mga pagkain ng marinig nya ang sinabi ni Julia. “I don’t want anybody close to this man, or to befriend this man, if I see someone stick close to this man I’ll make his or her life a living hell—.” “Eto na yung inorder natin, sino sya Kali? Kakilala mo?” pagputol ni Miko sa pagsasalita ni Julia. “Who are you?” tanong ni Julia. “Miko nga pala,” sabay abot ng kamay nya. Tinitigan lang ni Julia si Miko. “Are you friends with this guy?” “Ah yes, kakakilala lang namin kanina.” “I advice you to stay away with him, he’s not someone who you can put your trust to, he cheated the test—.” “May ebidensya ka?” pagputol ulit ni Miko. “I don’t need to give you an evidence, I can only give you my warnings, this guy he’s no good.” “First of all, I don’t know you and inaakusahan mo yung kaibigan ko for cheating without laying out an evidence.” “I hope you hear what you’re saying to me, and did I hear you wrong, you don’t know me? Maybe you’ll need to find out who I really am.” Bigla namang lumamig ang Cafeteria, napansin naman eto ni Kali. Dali-dali nyang itinulak si Miko para hindi sya tamaan ng paparating na atake ni Julia, pero hindi naman sya nakailag sa atakeng yun kaya tumama sya sa pader ng Cafeteria. “Poor guy, you should’ve never made me mad.” “Yun na yun?” mayabang na pagbigkas ni Kali habang nakatayo sa gilid ni Julia.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
24.0K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
63.3K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
48.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.2K
bc

LEGERDEMAIN ACADEMY: MAJESTIC FLAIR

read
4.6K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
188.6K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook