Sa isang islang malayo sa San Juan, may nakabaong mga aklat. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa islang iyon. Sa oras na makapunta ang isang tao at makita niya ang mga aklat ay maaari niyang mabasa ang mga ito. At, kapag nabasa niya ang lahat ng nakasulat sa isang aklat ay magkakaroon siya ng kapangyarihan na maging isang higante. Mas maraming aklat na mababasa, mas lalaki naman ang higante. Kapag nangyari 'yon ay maaaring magdala ito ng pinsala sa mga lugar at gawin ang mga gusto niya o pasusunurin ang mga tao sa kaniya. Magkakagulo ang lahat. Sa oras na malamang may nakapunta roon o kaya'y nabasa niya ang aklat ay mahigpit siyang parurusahan. Ang mga taong nakabasa ng lahat ng nakasulat sa isang aklat ay may parusahang kamatayan. Ang mga taong nakabasa naman ngunit kalahati pa sa

