Naalala ko naman bigla ang panyo ni Federico at panyo ni Paulita kung kaya't umakyat ako at nagtungo sa aking silid upang kunin ang mga ito at nilagay rin sa bulsa sa loob ng saya ko. Ano ba 'yan? Parang bumibigat na ang saya ko. Pero ayos lang. Ang mahalaga ay madala ko ang mga mahalagang bagay. Kaming lahat ay nasa labas na ng aming tahanan. Pinoposasan na nila kami. Naluluha pa kami habang tinitingnan sa huling pagkakataon ang aming tahanan mula sa labas. Ganoon din ang aming hacienda. Nakikita rin naming lumuluha ang mga taong malapit sa amin gaya ng mga magsasaka. 'Yong mga nakasama namin noong nilibot namin ang hacienda. Alam kong nakikiramay sila sa amin. Nakakalungkot at hindi na kami magkikita pang muli. Mananatili na lamang sa aming mga alaala ang lahat ng nangyari noon. Sa

