"Hali na po kayo, binibini!" tawag ni Paulita sa 'kin na nakasakay na pala sa bangka. Hindi ko man lang namalayan na kami na pala ang sasampa sa bangka. Kinabahan naman ako ulit gaya noon. Nauna namang sumampa si Federico sa bangka at agad na inilahad ang palad niya sa harap ko. "Huwag kang matakot, binibini. Narito ako upang alalayan ka," sabi niya na nakangiti. Hindi ko alam pero mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa ngiti niyang 'yon at sa sinabi niya lalo na nang hawakan ko ang kamay niyang inabot sa 'kin. Inalalayan at tinulungan niya akong makasakay sa bangka. Magkatabi kami ni Paulita at nasa tapat ko si Federico nakaupo. Agad namang nagsagwan ang lalaking magsasagwan. Napatingin naman ako kay Federico at nakita kong nakatingin pala siya sa 'kin na nakangiti pa rin. My gos

