Nilingon naman ni ina si Paulita at na-gets naman ni Paulita 'yong nais iparating ni ina sa kaniya kaya dali-dali siyang tumungo sa kusina at ni-ready 'yong hapunan namin. Nagkuwentuhan naman sina ama at Federico roon sa balkonahe habang kaming mga babae naman ay naiwan dito sa sala. Nag-chikahan din kami, no. Alangan namang silang dalawa lang doon. Nang matapos na si Paulita roon sa kusina ay agad niyang sinabihan si ina na nakahanda na ang lahat kaya tinawag na kaming lahat para sa hapunan. Napansin ko lang sa sarili ko na medyo hindi na ako nag-e-English masyado. Kung mag-English man ako, kaunti na lang. Hindi katulad noon na marami. Unti-unti na ba akong nakakapag-adjust sa panahong ito? Naiilang ako dahil sa tapat ko nakaupo si Federico. Panay pa 'yong ngiti niya sa 'kin sa tuwing

