Tatlong araw na ang lumipas mula nang marinig at malaman ko ang lahat ng rebelasyon mula sa punong madre ng San Juan na si Madam Theodora. Medyo natatanggap ko na ang kapalaran ko ngayon. "Anak?" narinig kong tawag ni ina pagkatapos kumatok sa pinto ng silid ko. "Maaari ba akong pumasok?" tanong nito. "Ayos lang po," sagot ko sa katamtamang boses. Medyo wala akong sapat na lakas. Nade-depressed na yata ako rito sa loob ng silid ko. Tatlong araw din kasi akong nagmukmok at hindi lumalabas ng kuwarto simula noong araw na 'yon. Pumasok na si ina sa loob ng kuwarto at umupo sa gilid ko. Nakahiga ako ngayon. Sumunod naman sina ama, Ate Felicidad at si Clara at tumabi sa kaniya. "Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni ina. "Ano bang nangyayari sa iyo at hindi ka na masyadong kumakain?" Napatingi

