NAGING ordinaryong scene na lang ang mga sweet moments sa pagitan nila nang mga sumunod na araw. Kung hindi lang sa ngiti ni Rav na laging nanunukso pagkatapos maging ‘sweet’, maiisip ni Roxan na may something na sa pagitan nila. Na may ‘future’ na sila pagkatapos ng kasal. Pero ang ngiti nito at glow sa mga mata, laging paalala kung sino at ano sila sa isa’t isa—malapit na magkaibigan. Pero ganoon pa man, masaya pa rin si Roxan. May katapusan man ang lahat, ramdam pa rin niya ang iniiwang gaan at warmth ng bawat oras na magkasama sila ni Rav. “Ano’ng sched natin bukas, Ann?” Friday night iyon, pauwi na sila ni Rav sa bahay. “Sunday night na ako babalik ng Victoria.” “Nagpa-change ng date `yong client kong may site tripping kaya…wala. Sa bahay lang a

