NAPATITIG si Roxan sa new comment sa post niya bago natawa nang walang laman. Hindi talaga siya dapat nagche-check ng f*******: sa umaga. Hindi alam ng dalaga kung matatawa o maaasar kay Sitty. Nag-comment talaga sa post niya ng picture ni Rav na mahimbing ang tulog. At all caps pa? Hindi sila f*******: friends ni Sitty pero naka-tag ang picture kay Rav. ‘He’s mine’ with passion talaga ang comment! Kaswal niyang inabot kay Rav ang cell phone. “Parang may naka-black gown na pupunta sa simbahan at sisigaw ng: Itigil ang kasal!” Sabay ang pag-iling, naglagay siya ng sinangag sa sariling plato. Kakaupo lang nila ni Rav para mag-breakfast. Mas naunang nagising ang kaibigan at ito ang naghanda ng breakfast nila. Hindi man dapat, unti-unting nasasanay si Rox

