Last Chapter Natalie Zoey Ramil's Point of View Sa mga nakaraang buwan, hindi ko alam kung bakit masyadong madikit sakin si Ice. Madikit talaga! Kung saan ako pumunta, dapat kasama ko siya. Dapat din ay magpapaalam ako sa kanya. Araw araw na nga kami magkasama, kulang nalang, dito na siya tumira samin. "Magkita nalang tayo sa GMP." "Hindi, susunduin kita diyan sa inyo. Wait me, on the way na ako." "Ice naman, magkikita naman tayo dun. Okay lang, magpappahatid nalang ako sa driver." Nakarinig nalang ako ng busina galing sa labas. Si Ice na yun. Ganito ang set-up namin araw araw. Okay lang naman sakin kaso pakiramdam ko, wala na siyang magawang iba nang dahil sakin. Hindi ko naman alam kung bakit siya biglang naging protective ng ganito. Sobra sobrang protective, mas protective pa s

