Natalie Zoey Ramil's Point of View Pagkabalik namin sa bahay ay agad ibinaba ni Ice yung pinamili sa may kitchen, ako naman ay dumiretso na papunta sa kwarto. Wala na si Ircy sa kama, maingay na lalo sa labas, marahil ay nandun na siya at nagpa-party na kasama ni Kristina. "Hindi niyo man lang ako hinintay bago kayo magswimming." Sabi ko habang dumadaan sa gilid ng pool. "Magpalit ka na, dali! Masarap ang tubig, hindi masyadong malamig." Ani Kristina "Sige, mamaya. Puntahan ko lang si Cloud." Pumunta ako doon sa may mini bar kung nasaan si Stone at Cloud na tawa ng tawa sa lasing na si Stone. Kung ano ano nanaman yata ang sinasabi at pinagtra-transform. "Cloud, andun sa kitchen yung mga pinamili namin." "Bakit ang tagal niyo? Nagdate pa yata kayo." Panunukso nito "Hindi ah, may na

