Natalie Zoey Ramil's POV Tinignan ko si Rain habang nagdri-drive at diresto lang siyang nakatingin sa daan pero parang nagpapawis yata siya kahit todo na yung aircon dito sa kotse niya. "Bakit ka nagpapawis? At bakit parang nanginginig ka din? May sakit ka ba, Ulan?" Sumulyap siya sakin at agad ibinalik ang tingin sa daan. "Hindi, kinakabahan lang." "Bakit?" "Kasi ihahatid kita sa inyo?" "Bakit ka naman kinakabahan dun? Wala namang dragon sa bahay nila!" Napahinto ako saglit, "Bahay pala namin. Hehehe! Sorry, di ako sanay." "Aba siyempre, bahay ng mga Ramil yun. Walang nakakaalam kung saan ito." "Walang nakakaalam? E bakit alam ko? Pano yun!" Pano yun? Wala daw nakakaalam pero alam ko kung pano at saan. Alam din nung mga nangidnapped sakin at alam din ni kuya at malamang

