Natalie Zoey Ramil's POV Hindi ko alam kung saan kami papunta ni Ice ngayon. Kapag tinatanong ko siya, hindi niya ako pinapansin o kaya babarahin niya lang ako. "Saan tayo, yelo?" Tanong ko "Sa kotse." Napasimangot ako sa sagot niya Ilang beses na ako nagtanong, paulit-ulit lang na ganyan yung sagot niya. Ewan ko ba dito! "Alam ko." "Yun naman pala." Kita niyo! Kita niyo! Nagtatanong ako ng maayos tapos ganun ang isasagot sakin. Kung ako lang si Mrs. Hernandez, nako! "Where are we, Ice?" Ngayon ko lang it-try na english, baka sakaling umayos ang sagot niya. "Inside the car." "I know." "Then don't ask again." Arghhhhhhhh! Kayo na nga lang ang lumugar sa pwesto ko. Kung sana si Rain ang kasama ko, edi kanina ko pa alam kung saan kami pupunta may kasama pang "baby" sa dulo. N

