Chapter 7

1064 Words
ROUIN’S POV   Matapos tawagin si kuya ay kaagad akong dumeretso sa isa sa mga guest room. Masyado yatang feel at home ang mokong na ‘yon at naghanap na kaagad ng sarili niyang kwarto. Ibang klase talaga ang mayabang na ‘yon.. Hindi porket tinawag niya na ako sa pangalan ko ay okay na kaming dalawa. Pagkarating na pagkarating pa nga lang dito nagsisimula na siya kaagad ng pagsusungit niya. Hindi man lang nahiya kay Auntie Chloe at kay Kid. Hanggang dito ba naman dinala niya pa ang pagiging mayabang at epal niya.   Napansin ko naman na nakabukas ang isa sa guest room. Marahil dito siya nagpasyang magpahinga. Akmang kakatok na sana ako nang mapansin kong may nakasalpak na earphone sa tenga niya at nakapikit. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at tiningnan kung ano ang naka-play na kanta sa ipod touch nito.   “Sweetest Surprise by Michael Learns to Rock?” bulong ko. Mahilig siya sa mga ganitong tugtugan? Ano siya sinauna? Pero pakialam ko ba sa taste niya sa music? Naalala kong bigla kung bakit ko siya hinahanap. Panigurado naghihintay na silang lahat doon kaya naman kaagad ko siyang tinapik. Tila nasorpresa naman ito at kaagad na iminulat ang mga mata. Tumingin ito sa akin nang salubong ang mga kilay.   “Hindi ka ba marunong kumatok?” Inirapan ko lang ito at tumalikod. Lumapit ako sa pintuan at kinatok ang pinto.   “Happy?”   “Tsk!” Kahit na kailan talaga ang sungit niya. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob ni Tita Juliet at ganito ang kinalabasan niya?   Napairap na lang ako bago nagsalita. “Tawag ka nila Auntie Chloe. Meryenda raw muna. Nagluto sila ng spaghetti ng mama mo.”   “Susunod na lang ako. Hindi pa ako nagugutom,” tanging tugon niya bago muling ipinikit ang mga mata.   Ah ayaw mong tumayo ha? Mabilis kong hinablot ang ipod touch niya at saka mabilis na tumakbo palabas ng kwarto hanggang sa makarating ako sa labas. Narinig ko pa ang lakas ng pagkakasigaw niya sa pangalan ko kaya natawa pa ako. Pinagmasdan ko sandali ang papalubog na araw at naalala ang mga panahong masaya kaming nagtatampisaw ni Kid dito sa tabing dagat. Naisipan kong maglakad-lakad na muna dahil nakapagmeryenda na rin naman ako kahit paano. Panigurado rin lagot ako kay Froilan kapag nakita niya ko sa loob dahil kinuha ko 'tong ipod niya.   Naaalala ko nung first time ko rito nagbakasyon sa beach house ni Auntie Chloe, I was just 8yrs old no’n, 'yon din ang first time na nagkaroon ako ng kaibigan at crush, si Kid. Naligaw kasi ako no’n sa paglalakad ko kaya naman alalang-alala sa akin sila Auntie Chloe sa akin. Si Kid naman ay lumayas sa bahay nila dahil nag-away raw sila ng mama niya. Sakto na nagkita naman kami sa isang kweba no’n, hindi ko alam gaano kalayo ‘yon pero basta ang alam ko lang doon kami nagkita nang mga oras na ‘yon tapos doon na kami naging magkaibigan. Nagkwentuhan kami at doon niya nalaman na naliligaw ako kaya naman sabi niya, iuuwi niya na raw ako dahil baka nag-aalala na si Auntie Chloe. Doon ko lang din nalaman na magkaibigan pala ang mama niya at si Auntie. Nag-piggy back ride pa kami, 'yong nakasakay ako sa likod niya, kaya ang saya-saya ko nun. Nagising na lang ako nasa bahay na ‘ko ni Auntie at katabi ko si Kid na mahimbing na natutulog. Ang gwapo-gwapo niya no’n. Iyon ang unang pagkakataon na nagka-crush ako sa kanya. Hindi ko naiwasang titigan pa siya sa malapitan habang himbing siyang natutulog. For me, he is my hero.   Back to the present, eto nga at naglalakad-lakad pa rin ako sa tabing dagat, naisip kong silipin ang ipod ni Froilan. Ano kayang mga tugtugan niya rito. Nag-play ako ng isa habang suot ang earphone niya.   Standing at the Edge of the Earth By Blessed Union of Souls   Ano ba namang mga tugtugan ‘tong hilig ni Froilan? Kung hindi oldies, hindi sikat. Saan niya kaya narinig ‘tong mga kantang ‘to? Habang pinakikinggan ko ang lyrics hindi ko naiwasang matawa. Kasi naman parang may pinanghuhugutan ang kantang ‘to base sa lyrics nito. May hinihintay kaya siya? Friend? Crush? Ex? Napakibilit balikat na lang ako at muling nag-play ng isa pang kanta.   Amazed By Lonestar   Napakibit balikat na lang ako habang pinakikinggan iyon. Ano ba siya? In love o sawi? Nakakatawa lang kasi ang mga tugtugan niya. Nakinig lang ako ng kung anu-ano pang kanta niya sa ipod. Madami rin siyang songs, may mga remix pa nga, dance craze, rap, etc. As in, iba-ibang genre at melody. Wala sigurong fixed na decision ‘to sa buhay.   Sa kakalakad ko at dahil busy ako sa pakikinig ng kanta rito sa ipod ni yabang hindi ko namalayan na napalayo na pala ko. Masyado akong nawili sa pagmumuni-muni at pakikinig sa mga kantang hindi ko naman ma-gets. Halos madilim na rin ang paligid at tahimik na paligid na lang ang siyang kasama ko. Hindi ko na matanaw ang beach house ni Auntie Chloe. Paano na ko ngayon uuwi? Hindi ko pa naman natandaan ang daan pabalik. Ah, bahala na! Dederetsohin ko na lang ang lakad ko hanggang makauwi ako roon.   Sa paglalakad ko sana pabalik ay hindi ko alam kung saan na ako nakarating. May kakahuyan na at unti-unti na akong nakakaramdam ng takot dahil nag-iisa lang ako. Kahit saan ako lumingon ay tanging mga puno na lang ang nakikita ko. Walang kahit na isang bahay man lang sa paligid. Naalala ko naman ang mga horror movies noon. Kadalasan, sa mga ganitong liblib na lugar nangyayari ang pagpatay. Mayroon ding mababangis na hayop na kumakain ng laman ng tao upang pantawid gutom. Para na akong nasisiraan ng bait dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung eto na pala ang huling araw ng buhay ko? Hindi ko man lang nagawang sabihin kay Kid na may pagtingin ako sa kaniya? Hindi ko man lang siya nakasama sa huling sandali ng buhay ko hanggang sa matanaw ko ang kwebang nagbigay ng magandang alaala sa buhay ko. Kahit paano ay nawala ang ibang isipin sa utak ko at kaagad na pumasok sa loob nito at doon nagpasyang itago ang sarili ko sa kadilimang bumabalot sa aking puso.   “Kid…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD