Chapter 8

1193 Words
FROILAN’S POV Nasaan na kaya ang babaeng ‘yon? Humanda talaga siya sa akin kapag nakita ko siya. "O, Froilan, si Rouin?" tanong ni Tita Lucy. "Wala po ba siya rito? Nauna po siya umalis ng kwarto pagkatawag sa ‘kin. Kinuha pa nga ang ipod ko," sagot ko. "Wala. Akala ko magkasama nga kayo dahil ang tagal n’yo," sabi naman ni Tita Lucy. Hindi ba nila nakitang dumaan dito? Malamang kung nakita nila hindi na nila ‘ko tatanungin ngayon. Pakiramdam ko tuloy nahahawa na ko sa pagiging stupid ni Rouin. Saan kaya nagsuot ang babaeng ‘yon? Ginawa na yatang libangan ang katangahan niya. Alam naman niyang hindi siya pwedeng lumayo rito. O baka naman kasama lang ng Kid na ‘yon at nagpapa-cute na naman siya. "Hahanapin ko na lang po siya." Pagkasabi ko no’n ay lumabas na kaagad ako ng bahay at nagsimulang maghanap. Sakto naman at nakasalubong ko si Kid. "Nakita mo si Rouin?" tanong ko. "Hindi. Yayayain ko nga sana siyang mamasyal kaya ako nagpunta rito. Bakit?" tanong niya sa akin pabalik. "Wala sige na." Ayokong aksayahin ang oras ko sa pakikipagusap dito lalo pa at mukhang wala naman siyang alam. Nasaan na kaya ang bobitang ‘yon? Sa totoo lang nagsisimula na akong mainis lalo pa at nasa kaniya ang ipod ko. Mamaya kung anu-ano nang pinaggagawa niya ro’n. Kapag may nawala talagang kanta ro’n humanda sa ‘kin ang babaeng ‘yon. "Rouin!" sigaw ko. Hinahanap pa rin siya. Gabi na, hindi ko pa rin siya nakikita. Baka nasa bahay lang iyon nagtatago. Tama! Uuwi muna ko. Pwede ring nakauwi na siya kaya ano pa ba ang ginagawa ko rito? Dali-dali akong bumalik sa bahay at dumiretso sa bawat silid ngunit wala siya roon hanggang sa tanungin akong muli ni Mommy. "O, sweetie, naasan na si Rouin?" Nakatingin ito nang diretso sa akin habang nababakasan ng pag-aalala na unti-unti namang lumala nang magsalita ako. "Wala pa rin ba siya rito?" tanong ko. "Wala pa simula kanina. Hinahanap na rin namin siya rito sa buong bahay ngunit wala siya. Umasa kami na baka magkasama na kayo kaya--" "s**t!" sabi ko na lang. Hindi na nagawang tapusin ni Mommy ang sasabihin niya nang bigla akong tumalikod at naglakad palapit sa pintuan. Kita ko kung gaano nag-aalala sila Tita Lucy at ang iba pa kay Rouin. "Saan ka pupunta?" tanong ni Mommy habang magkasaklob ang dalawang kamay. "Isn't it obvious, Mom? Hahanapin ko siya." Pagkasabi ko no'n ay tumakbo na ako palabas para hanapin si Rouin. Narinig ko pang tinawag ako ni Kuya Ice pero hindi ko na pinansin. Nasulyapan ko rin ang pagtakbo ni Kid palabas ng bahay ngunit hindi na ako nag-atubiling tanungin pa kung saan siya pupunta. Marahil hahanapin niya rin si Rouin.   Nagtatakbo ako kung saan-saan ngunit walang bakas na nagawi roon si Rouin. Sinuyod ko ang kahabaan ng tabing dagat ngunit tanging liwanag lamang ng buwan ang siyang nagsisilbing liwanag sa kadiliman ng gabi. Nagpasya akong maglakad pabalik hanggang sa mapansin ko ang isang tagong kakahuyan. Posible kayang mapadpad siya sa lugar na ito? Ngunit wala namang masama kung susubukan kong hanapin siya sa lugar na ‘to. Gamit ang flashlight ng cellphone ko ay nilinga-linga ko ang paligid at nagbabakasakaling makikita siya.   “Rouin!” Sumalampak ako ng upo sa ilalim ng isang puno at saglit na nagpahinga. Nakakaramdam na ako ng pagod sa kaiikot sa kakahuyang ito. Hindi ko naiwasang mas lalong mainis sa kaniya dahil sa kapabayaan niya. Ano ba naman kasing klaseng pag-iisip meron siya at napili niya pang mamasyal nang mag-isa O baka naman, natakot na baka awayin ko siya sa oras na makita ko siya? Well, buti alam niya. Ang lakas ng loob niyang kunin ang ipod ko nang walang pasintabi at isinama niya pa talaga ang earphone. Lokong babae ‘yon. Humanda talaga siya sa akin sa oras na makita ko siya.   Gustuhin ko mang mainis at magalit sa ginawa niya, bakit hindi ko magawa? Ang inis na nararamdaman ko ay unti-unting napalitan ng pag-aalala lalo pa at lumalalim na ang gabi. Tiyak kong nalulungkot siya ngayon. Kahit naman sandali pa lang kami nagkausap at nagkakilala ay nakita ko na kung gaano siya karupok na klase ng babae. Mababa ang kaniyang loob at malambot ang kaniyang puso. Lagi ko siyang sinusungitan ngunit alam ko naman na hindi siya basta-basta magpapatalo sa mga umaapi sa kaniya. Tiyak kong takot na takot na siya ngayon lalo pa at mag-isa lang siya. Sa isiping iyon ay kaagad akong tumayo at muling naglakad upang maghanap. Sinuyod ko ang buong kakahuyan hanggang sa may maaninag akong isang kweba. Walang pagdadalawang isip akong nagtungo roon at isang babaeng yakap-yakap ang kaniyang sarili habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng isang taong inaasahan niyang magliligtas sa kaniya.   “Kid…”   Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit? Nakaramdam ako ng bahagyang paninikip sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag kung saan nagmumula. Dahan-dahan kong inangat ang cellphone ko hanggang sa matapatan siya ng liwanag mula sa flashlight nito.   At pagharap niya ay ang luhaang mga mata niya ang sumalubong sa akin. Napalunok ako dahil sa nararamdaman kong kakaiba. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa nakikita ko nang mga oras na ‘yon. Umiiyak siya. Pinilit kong ikalma ang sarili ko at nilapitan siya.   "Stupid ka ba talaga? Sino nagsabi sa ‘yong lumayo ka sa beach house? Alam mo bang nag-aalala na ang lahat sayo. Alam mo bang--"   Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang mabilis na paglapat ng kaniyang mga braso sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at isinubsob ang kaniyang mukha sa aking dibdib. Doon niya ibinuhos ang lahat ng takot nang mga oras na nag-iisa lang siya.   “Huwag ka nang umiyak, stupid,” sabi ko habang inaalo siya. Tinugon ko ng yakap ang mahigpit niyang yakap sa akin habang tinatapik-tapik ang likod niya. Sa ganitong paraan man lang ay mapagaan ko kahit paano ang nararamdaman niya. Sa ganitong paraan man lang maiparamdam kong hindi siya nag-iisa.   Ilang minuto rin ang itinagal namin sa ganoong posisyon. Tahimik lang ako hanggang sa basagin niya ang katahimikang namamayani sa pagitan naming dalawa.   "Froilan…”   “Hhmm…”   “Umuwi na tayo," sabi niya at saka humarap sa akin na may ngiti sa mga labi. Doon lang ako unti-unting nakaramdam ng pagluwag sa aking dibdib nang makita ko ang mga ngiti niyang ‘yon.   "Okay ka na?" paniniguro ko.   "Oo. Salamat at dumating ka." Muli siyang ngumiti at hindi ko maintindihan ngunit nakaramdam ako nang pagkailang nang mga oras na ‘yon.   Tumalikod naman ako at saka lumuhod. "Tara na."   "Ano yan?" tanong niya . "Huwag na magtanga-tangahan. You know what I mean," sabi ko at mukhang naintindihan niya naman ang nais kong sabihin. Hindi naman siya nagdalawang isip at ikinalang ang kaniyang dalawang braso sa aking leeg. Dahan-dahan akong tumayo habang sapo ang kaniyang magkabilang hita. Marahil ay napagod na rin siya kaya hindi na nag-inarte pa. Lihim naman akong napangiti dahil doon kasabay ng unti-unting paglambot ng puso ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD