ROUIN'S POV After that incident sa shop, hindi na ako pinatahimik ng mga sinabi ni Grace. "I love the taste of your kiss." Still echoing in my mind continously. Hindi ko na tuloy alam kung dapat ba akong maniwala sa kanya o hindi pero sabi naman ni Froilan ay wala raw kahit anong nangyaring ganoon. Bukod pa roon ay in-assure niya na kahit kailan ay hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyon. Ako lang daw ay sapat na para sa kaniya, at kahit na kailan ay hindi niya ako magagawang lokohin. "Still thinking about that?" tanong ni Froilan na bumasag sa malalim na isipin ko. "Hindi ko lang maiwasan. Syempre babae ako, Froilan. Malay ko ba kung talagang--" Nanlaki ang mata ko when he pressed his lips on mine. "Hindi ba sabi ko naman sa 'yo na hindi mangyayari 'yon. Ikaw lang ang makakaangk

