GRACE'S POV "Hindi ganoon kadaling ibigay ang gusto mo, Grace, at alam mo kung bakit." Alam ko naman talaga. Kahit pagbali-baligtarin ko pa ang mundo, alam kong si Rouin lang ang mananatiling gusto niya. Pero ganoon ba talaga 'ko kahirap mahalin? Bakit ba kahit na anong gawin ko, kulang pa rin para magustuhan niya ako? Hindi niya ba nakikita na nandito lang ako palagi para sa kaniya. Naghihintay na mapansin niya. "Hindi ko maintindihan kung bakit? Kasal na si Rouin. May asawa na siya. Bakit hindi mo na lang kasi ako mahalin para maging masaya ka na rin gaya niya?" Nakakainis. Ano ba ang meron sa babaeng 'yon? "Dahil mahal ko siya, and thats all that matters." Bagay na hindi ko matanggap. Bwiset na babaeng 'yon! Pagbabayaran niya nang malaki ang pagiging malungkot ko. I will tear them ap

