TRAVIS' POV "Kailan ka ba babalik dito, Travis? Halos maglilimang buwan na simula nang umalis ka. Hanggang kailan ka ba magtatago para lang kalimutan si Rouin?" tanong ni Brigette mula sa kabilang linya. "I am going back soon for good," tugon ko. I have decided na bumalik na sa Pilipinas tutal wala rin namang nangyayari sa ginawa kong paglayo. Himbis kasi makalimutan ko siya mas lumalala pa yata ang nararamdaman ko. Namimiss ko siya, and I really want to see her. After thinking several times, I came to a conclusion. Babalik ako for her. Babalik ako para bawiin siya. "Kailan naman yang soon na 'yan? Alam mo bang hinahanap ka sa akin ni Froilan the last time na nagkausap kami. Tinatanong niya ang address mo riyan sa London. Kasama niya si Rouin nagbakasyon diyan," pagkukuwento niya pa. T

