FROILAN'S POV Daig ko pa nakadrugs sa itsura ko ng bumangon ako sa kama. Buong gabi akong gising kakaisip kay Rouin. Sakto naman ang tawag ni Kuya Ice sa pagbangon ko. Ang aga-aga naman makatawag nito samantalang kagabi ang sabi niya wala sa kanila si Rouin. Ano kayang kailangan ng isang 'to? "Kuya Ice, ang aga--" "Si Rouin, nandito ngayon sa bahay, dalian mo pumunta ka na rito!" Aba at binabaan kaagad ako. Hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko pero nang marinig ko ang pangalan ni Rouin ay nakalimutan kong bigla na wala akong tulog dahil dere-deretso ako sa banyo at kaagad na nag-toothbrush, nag-mouthwash at naligo. Wala pa yatang 30 minutes ay nakatapos na ako at kaagad nagbihis ng simpleng damit lang at nagpabango. Dapat lang mabango ako pagharap ko sa asawa ko para naman magka

