ROUIN'S POV Napagdesisyunan kong umalis muna sa bahay namin ni Froilan para kahit paano ay makapag-isip. Isa pa masama pa rin ang loob ko sa ginawa niyang panloloko sa akin. Sa lahat ng tao sa mundo siya ang pinakahuling naiisip kong lolokohin ako. Masakit isiping nagawa niya iyon sa akin at kay Grace pa talaga siya natukso. Napagpasyahan kong sa bahay na lang muna ni Brigette ako tumuloy. Ayoko kasing malaman pa nila Mommy ang lahat ng nangyari sa amin ni Froilan. Kahit naman nakagawa siya sa akin ng masama ay ayokong magmukha siyang masama sa pamilya ko. Mahal ko pa rin siya at asawa ko pa rin siya. "Sissy, alam mo hindi ko lubos maisip na magagawa niya sa akin iyon." Para akong batang umiiyak at nagsusumbong ngayon kay Brigette. "Sissy, how sure you are na talagang niloko ka niya? I

