FROILAN'S POV Kinabukasan ay kaagad kaming bumalik sa Pilipinas. Hindi niya pa rin ako kinikibo. Kahit tapunan ng tingin ay hindi niya ginawa. Naisip ko tuloy ganoon ba kalaki ang galit niya sa akin? Kung sabagay, kung ako man ang nasa katayuan niya ay paniguradong kagaya ng reaksyon niya ang magiging reaksyon ko. Pero ganoon lang ba kadali para sa kanya na makipaghiwalay sa akin? Hindi niya ba magawang maniwala sa akin o kahit sana pakinggan man lang ang mga paliwanag ko? Hindi ko siya masisi dahil may mali rin ako. Oo, lumapit sa akin si Grace, and she approached me about Travis noong mga oras na hinahanap ko si Rouin. Sinabi niyang nasa Japan ito noong mga panahong naroon kami. Noong una ay nagduda ako hanggang ipakita niya ang picture ng bestfriend ko na kasalukuyang naglalakad sa Tok

