ROUIN'S POV Napagdesisyunan ko na lang na umalis na sa lugar na iyon. Bahala na kung saan ako mapadpad. Basta mapalayo lang ako sa kaniya. Kung mayroon lang sana akong kakilala rito. Habang naglalakad sa gilid ng kalsadang hindi ko alam kung saang lupalop ng Japan ay napahinto ako nang makita ko ang pares ng paa sa aking harapan hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Nang mag-angat ako ng paningin ko ay nagulat ako na makita siya. Nakatingin siya nang diretso sa aking mga mata. Ang mga mata niyang noon pa man ay ako lang ang tinitingnan. Ang itsura niyang puno ng pagtataka, at pag-aalala. Hindi ko na napigilan ang mas lalong pagbagsak ng aking mga luha kasabay ng unti-unting pagbuhos ng ulan. Alam kong sa mga oras na iyon, wala akong matatakbuhan maliban sa kaniya. Paano ko nga ba nagawang i

