SA BUHAY MAN HANGGANG SA KAMATAYAN
⚠️PAALALA⚠️
Mangyaring tandaan na ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang lahat ng mga pangalan, karakter, negosyo, lugar, mga pangyayari, at insidente na nabanggit sa librong ito ay alinman sa produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginamit sa isang mapanlinlang na paraan. Ang anumang pagkakatulad sa tunay na mga tao, buhay man o patay, o mga pangyayari ay nagkataon lamang. Ang babala na ito ay nagpapahiwatig sa mamb 84abasa na nauunawaan niya na hindi batay sa mga tunay na indibidwal o pangyayari ang kuwento.
—————————————————————
"Mahal, sobrang excited na ako sa kasal natin bukas." naka ngiting saad ni Colin habang nakayakap sa akin.
"Ako din mahal. Hindi na ako makapag hintay na maging Mercado ang apelyido mo." tugon ko.
"Hindi na rin ako makapag hintay na bumuo ng pamilya kasama ka." dagdag ko pa.
"Basta mahal kahit anumang pagsubok ang dumating, sabay natin haharapin ha?" ani Colin
"Oo naman. Sabay nating harapin ang lahat, sa hirap man o ginhawa. Sa buhay man hanggang kamatayan" Saad ko habang magkayakap kaming nakatanaw sa palubog na araw.
Hindi na talaga ako makapag hintay sa araw ng kasal namin ni Colin, gustong gusto ko na talaga siyang pakasalan at tawaging asawa ko.
——————————————————
"Anak, bakit suot suot mo yang trahe de boda mo!" galit na sigaw ni mama sa akin.
"Ma, sinubukan ko lang naman kung sakto ba talaga sakin. Mahirap na, baka mamaya di pala kumasya e." depensa ko naman.
"Anak naman e!" "Malas yan!" saad ni mama.
"Hay nako naman ma. Ayan na naman kayo sa pamahiin nyo e." reklamo ko.
"Hay! Bahala ka nga. Ipagdasal mo na lang na walang mangyayaring masama sayo." "Napaka pasaway mo talaga." pagsuko niya.
——————————————————
"Sa wakas ito na ang araw na pinakahihintay namin ni Colin." abot tengang ngiting saad ko sa sarili.
Pero bakit ang tagal naman atang dumating ni Colin? Halos isat-kalahating oras na namin siyang hinihintay.
Hindi kaya– hindi, mali tong iniisip ko. Hindi ako tatakbuhan ni Colin.
Mahal na mahal ako nun, mahal na mahal.
"Ma, natawagan nyo ho ba yung driver ng bridal car na sinakyan ni Colin?" natatarantang tanong ko kay mama.
"Hindi sumasagot anak e." "paulit ulit na naming dina dial ang number niya pati narin ni Colin, kaso lang out of coverage e." Halos paiyak na saad ni mama.
"Wag naman sanag magkatotoo ang iniisip ko." mangiyak ngiyak na saad ni tita Leticia, ang mama ni Colin.
"Ma, wag nga kayong mag isip ng ganyan." iritableng sagot ko.
Hindi pwedeng mangyari yun, mababaliw ako kapag nagkataon.
Makalipas ang sampung minuto, bigla na lang nagtatakbo palapit saamin ang coordinator ng kasal namin ni Colin. Humahangos ito at tila natataranta. Di ko alma pero bigla akong nakaramdam ng kaba.
"S-Sir... M-ma'am..." nauutal na sabi nito.
"Bakit? Anong nangyari?" tila natataranta na ako sa kaba.
"K-kasi po..." putol uli nito sa sasabihin.
"Ano? Sabihin mo na!" pasigaw na sabi ko dahil sa kaba.
"Sir, yung sinasakyan po ng asawa niyo nahagip po ng truck. Ang masama po nun ay, nasawi po ang asawa niyo pati na rin ang mga kasama niya sa loob ng sasakyan." paliwanag nito
Nanlumo ako sa aking narinig. Hindi, hindi to pwede. Hindi ako pwedeng iwan ng mahal ko, mababaliw ako.
"Hindi... Hindi totoo yan!" "Buhay ang asawa ko!" "Buhay siya, hindi niya ko iiwan." humahagulgol na ako sa sakiit ng nararamdaman ko.
"Puntahan natin siya, buhay siya hindi pa siya patay." tumakbo na ako palabas ng simbahan para makita ang mahal ko.
Malapit na ako sa kalsada ng makita ko si Colin.
"Mahal?" "Mahal! Sabi ko na nga ba buhay ka." sinalubong ko siya at nagyakapan kami ng mahigpit.
"Mahal bakit ngayon ka lang kanina pa kita hinihintay. Nainip nanga si Father e." biro ko sa kaniya.
"Tapos sabi nila naaksidente ka raw at patay na. E hindi naman totoo, andito ka na." "Mahal, mag salita ka naman oh."
"Mahal..." "Sorry" naiiyak na sabi niya.
"Bat ka nag sosorry mahal?" Dahil ba nahuli ka ng dating?" "Sus, ok na yun andito ka na." pagpapakalma ko
"Hindi yun mahal, sorry kasi hindi na matutupad yung promise natin sa isat-isa na sabay nating haharapin ang lahat sa hirap man o ginhawa." saad niya.
"Bakit? Makikipag hiwalay ka na ba?" "Iiwan mo na ako?" tanong ko.
"iiwan lang kita pero di ako makikipaghiwalay." tugon niya.
"Ha? "Anong ibig mong sabihin?" "Saan ka pupunta?" takang tanong ko.
"Totoo yung binalita sayo." "Naaksidente ako at patay na ako." tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha naming dalawa.
"Hindi, hindi yan totoo mahal. Nayakap pa nga kita kanina e, hindi ka patay." saad ko.
"Mahal tumingin ka sa akin, tandaan mo tong mga sasabihin ko sa'yo ha." naiiyak na saad niya.
"Mahal." tanging saad ko na lang.
"Huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo ha, andito lang ako palagi sa tabi mo para gabayan ka. Lagi mo ring tatandaan na mahal na mahal kita, at handa akong ipaubaya ka sa iba maging masaya ka lang ulit." umiiyak na saad niya, halos ika durog ng puso ko ang lahat ng mga sinabi niya.
"Hindi ako papayag sa ganito mahal ko." "Kung mawawala ka rin lang saakin, tatapusin ko na rin ang buhay ko makasama ka lang, kahit sa kamatayan man."
"Mahal naman." "Huwag mong gawin yan." saway niya.
Tinalikuran ko siya at naglakad na patungo sa kalsada. Sa aking pagtawid ay may ubod ng bilis na sasakyan ang bigla na lang sakain ay bumangga, at ako nga ay nawalan na ng malay.
pagmulat ko'y aking nasilayan ang makha ng aking minamahal na asawa. Sa wakas, kapiling ko na siyang muli ngunit hindi na sa lupa kundi sa kamatayan na.
Natupad nga ang aming pangako sa isat-isa, ang mgsasama kami sa hirap man o ginhawa at sa buhay man hanggang kamatayan.
WAKAS